PAGHIHIGANTI

84 4 0
                                    

Paghihiganti

Author: SunshineSummer10

"Waaaaaaaaaaggggggggg!" ang sabay na sigaw nila Clark at Karina, si Jazz, kahit na hihirapan na ay pinipilit na maging matapang sa harap ng mga kaibigan, unti-unting nilapit sa leeg ni Jazz ang hawak nitong patalim. Napapikit na lang si Karina, dahil ayaw niyang masaksihan ang pagkamatay ng kan'yang kaibigan.

"Ako, ako na lang ang patayin mo!" sigaw na sabi ni Clark. At napadilat bigla si Karina.

"B-baby?" nagtatanong ang tingin ni Karina.

"I'm sorry baby, alam kung mahal mo pa siya kaya dapat lang na ako ang mawala." sabi ni Clark, kay Karina.

"No baby, hindi ako papayag mas mahal kita!" umiiyak na sagot ni Karina.

"Tama na ang drama nyo! ano nakapagpaalam ka na ba huh? ngayon umpisahan na natin," wika ni Jayvee. At lumapit ito kay Clark, isasaksak na sana nito ang hawak na patalim ng biglang humarang si Jazz. Dahil nakawala ito sa pagkakagapos.

"Bro, bakit?" tanong ni Clark.

"Mas kailangan ka ni Karina, dahil ikaw ang mas minahal niya kesa sa'kin na puro sakit lang ang binalik ko, sa pagmamahal na binigay niya." naghihingalong sagot ni Jazz. At unti-unting pumikit na si Jazz.

"Bro, hindi 'wag kang pipikit parang awa mo na Jazz, nakikiusap ako." pagmamakaawa ni Clark, sa kaibigan ngunit sadyang hanggang do'n na lang ang buhay ni Jazz.

"Nakakaiyak naman bwahahahaha... hahaha!" halakhak ni Jayvee.

"Hayop ka magbabayad ka sa ginawa mo kay Jazz, papatayin din kita!" galit na sabi ni Clark.

"Kung makakawala ka d'yan hahaha!" nang iinsutong sagot sa kan'ya.

"Sino kayang isusunod ko sa inyong dalawa? ikaw o ang pinakamamahal mo, ah alam ko na siya na lang mas masarap kasi sa pandinig ang pagmamakaawa niya." at lumapit iyo kay Karina.

"Pakawalan mo na lang sya ako na lang patayin mo Jayvee," pakiusap muli ni Clark.

"Bakit naawa ba kayo sa kaisa-isang tinurin akong kaibigan si Geo, ang natitirang meron sa'kin, ang taong minahal ko ng higit pa sa isang kaibigan ngunit anong ginawa nyo pinagkaisahan nyo sya."

"Wala kaming ginawa kay Geo, Jayvee maniwala ka." umiiyak na sabi ni Karina.

"Pinatay nyo siya at dapat din kayong mamatay--" gigil na sabi ni Jayvee. Sabay na tinaas ang patalim upang saksakin si Karina, ngunit naharang ito ni Clark.

"Hahaha! paano kang nakawala huh? 'di bale mas okey ito hahaha!" parang baliw na sabi niya. Nag-agawan sila sa patalim ngunit sadyang patay ang lakas nila. Dahil walang gustong magpatalo, hanggang sa isa sa kanila ang nasaksak.

"Argh!"

"Baby!" pagtawag ni Karina, ngunit wala siyang sagot na narinig mula kay Clark, pero maya-maya lang ay gumalaw si Clark sa ibabaw ni Jayvee. At lumapit ito sa kan'ya.

"Ayos ka lang ba baby?" tanong niya sa nobya.

"Ako patalagang tinanung mo, ikaw ang dapat kung tanungin niya e!" nakalabing sagot ni Karina.

"Tapos na ang problema natin wala na si Jayvee, baby." nakangiting sabi ni Clark kay Karina, unti-unting naglapat ang kanilang mga labi at masaya nilang nilisan ang abandonadong gusaling pinagdalhan sa kanila ni Jayvee, nang magkahawak kamay at may ngiti sa labi.

Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon