Numero 6
ni JimmySaylent#UHSFlashFictionHorrorStoryMaking
Mula sa pinagkukublihan ay isang yabag ang narinig ni Jaydee. Nangangatal na ang kaniyang labi at gusto na niyang umiyak sa sobrang takot.
Napasambit siya; "Diyos ko, Ikaw na po ang bahala sa aking kaluluwa."
Matapos magdasal ay isang halakhak ang kaniyang narinig.
"Hindi mo 'ko matataguan. Kahit nasa'n ka pa'y, makikita pa rin kita."
Nakakikilabot ang tinig na iyon at tila ba galing pa ito sa kailaliman.
"Kasalanan ko 'to, kasalanan ko!" sising-sisi na sabi ni Jaydee.
Tatlo araw na ang nakalilipas, nang maabutang wala nang buhay ang kaniyang matalik na kaibigang si Jason.Pinatay ito sa isang kakila-kilabot na paraan. Naliligo ito sa sariling dugo at butas ang dibdib. Nawawala ang puso nito! Sa kamay naman nito ay nakamarka ang numerong "6". Sa paraan na pagkakamarka ay para itong pinaso, gamit ang isang mainit na bagay. Ang ipinagtataka ng marami ay kung ano ang ibig-sabihin noon.
Ang mga magulang ni Jayson ay 'di makapaniwala sa sinapit ng kanilang anak. Labis ang kanilang naging pagdadalamhati.
----
Matapos magbalik-tanaw sa sinapit ng kaibigan ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Nagsisisi siya nang sobra sa kaniyang ginawa.
----
Ilang araw na ang nakalilipas mula nang pakialaman niya ang itim na libro ng kaniyang Lolo."Jason!" tawag niya sa kaibigan.
"Ano 'yon?" tanong naman nito kay Jaydee.
"Halika, tingnan natin kung anong nilalaman ng libro ni Lolo," sabi nito at saka dinala sa Jason sa loob ng kaniyang kuwarto.
Saktong wala roon ang kaniyang mga magulang at nakakuha siya ng pagkakataon upang pakialaman ang libro ng kaniyang Lolo. Kabilin-bilinan pa naman ng kaniyang mga magulang na huwag papakialaman ang kahit na anong gamit ng kaniyang Lolo.
"Ano ba 'yan?" tanong ni Jayson sa kaibigan.
"Libro daw ito ni Lolo, sabi ni Mommy. Minsan nahuhuli ko si lolo na binabasa 'to, pero 'di ko naman naiintindihan ang sinasabi niya."
"Talaga? Buksan natin," suhestiyon ni Jason.
Nananabik na binuksan ng magkaibigan ang libro at binasa ang mga nakapaloob dito. Ngunit ang pinakaumagaw ng atensiyon ng magkaibigan ay ang ikaanim na pahina ng libro. Kung saan, naka-guhit ang mga iba't-ibang hitsura ng nilalang na kung tititigang mabuti ay mga mukhang diyablo. Binasa pa nga ni Jaydee ang nakasulat sa tabi ng guhit na larawan kahit 'di niya ito maunawaan. Mayamaya pa'y humangin nang pagkalakas-lakas at nagtayuan ang kanilang mga balahibo.
Matapos iyon, tatlong araw ang nakalipas ay natagpuang patay si Jason sa kuwarto nito.
Ang libro pala ng kaniyang lolo ay tungkol sa pagpapraktisa ng okultismo ayon sa kaniyang magulang. At ang binasa niya ay ang pagpapakawala ng mga nilalang na nakaguhit rito. Sobrang nag-aalala ang mga ito sa maaaring sapitin ng kanilang anak.
Kinabukasan.
Natagpuang patay ang katawan ni Jaydee sa loob ng aparador. Naliligo ito sa sarliling dugo at butas ang dibdib. Nawawala ang puso nito! Sa kamay nito ay nakamarka ang numerong "6", ang numero ng diyablo.
-Wakas-
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...