UHS HAUNTER FILES
"Bloody Mary"
ni Crazy LadyAko si Hannah. Mabait, masipag at masunurin. Nag-iisang anak lamang ako nina Mama at Papa. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Lahat na yata ng posisyon ginawa ko na para lang dalawin ng antok ngunit ayaw talaga. Biglang nagsink in sa utak ko ang nabasa ko kahapon sa internet. Bakit hindi ko iyon subukan? Tamang-tama gabi ngayon. Tila yata naexcite ako sa ideyang iyon. Wala naman sigurong mawawala, susubukan lang naman. Bumangon ako sa higaan at kumuha nang kandilang itim at pangsindi sa loob ng kabinet. Tsaka nagtungo sa banyo. Tanging liwanag lamang ng kandila ang nagbibigay sinag sa paligid at humarap sa salamin.
"Bloody Mary! Bloody Mary! Bloody Mary!"
Panimulang tawag ko ngunit wala naman akong kakaibang naramdaman. Sinubukan kong muli nang tatlong beses hanggang sa paulit-ulit ko na itong binibigkas. Maya maya pa'y nakaramdam ako nang panghihina at pananamlay ng katawan. Ito ba ang epekto sa pagbanggit ko nang Bloody Mary? Pakiramdam ko may nagmamasid sa akin. Bigla akong tinayuan ng balahibo sa isiping iyon. Hindi ako nagpadala sa takot dahil hindi iyon makakatulong. Napayakap ako sa sarili dahil bigla akong nilamig. Lalabas na sana ako ngunit hindi ko mabuksan ang pinto. Tanda ko pa kanina hindi ko ito nilock.
"May tao ba d'yan sa labas? Ma! Pa!" tawag ko ngunit walang sumagot. Hindi na rin gumagana ang ilaw dito sa banyo kaya medyo madilim. Nakaramdam na rin ako nang takot. My God! Anong nangyayari? Paglingon ko sa salamin, nakita ko kung paano pumormang tao ang itim na usok. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang babaeng duguan habang nakangising nakatitig sa akin.
"Handa ka na bang sumama sa akin?" Maawtoridad niyang sabi na ikinagulat ko.
"Hindi ako sasama sa iyo! Demonyo ka!" Malakas ang pagkalampag ko sa pinto at pilit itong binubuksan habang nanginginig ang mga kamay ko ngunit ayaw talaga bumukas. Isang dipa na lang ang layo ko sa kan'ya mahahawakan na niya ako.
"Diyos ko! Ma! Pa! Tulungan niyo po ako!" Pilit ko pa ring binubuksan ang pinto ngunit naramdaman ko na lang ang malamig niyang kamay na humatak sa akin papasok sa salamin. " Papa! Mama! Tulong!"
"Hindi ka na nila makikita at maririnig kahit kailan! Kasalanan mo rin kung bakit ka naririto! Ginambala mo ang katahimikan ko! Kung sinuman ang tumawag o bumanggit sa pangalan ko isinasama ko sa mundo ko!" Isang nakakabinging halakhak ang pinakawalan niya. Pinagsisihan ko na ang ginawa ko dahil kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari hindi ko na sana sinubukan. Kaya ikaw na nagbabasa nito, huwag na huwag mong babanggitin ang 'Bloody Mary' dahil baka matulad ka sa akin."Wakas"
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...