UHS HAUTER FILES
VENGEANCE of Poor
BY: MISS E.Sinundan ko siya hanggang sa bahay na kanyang pinasukan. Sa labas palang ay mukha na itong bodega kaya't dahan- dahan akong pumasok sa loob. Doon ko mapatunayan na isa nga itong bodega dahil sa mga sirang gamit na nakatambak.
Nakita ko siyang nakahiga at mahimbing na natutulog sa isang katre. Kaya't sumilay ang isang ngiti sa aking labi.
Agad siyang bumalikwas nang maramdaman ang tulo ng kandila sa kanyang noo. Nagpupumiglas siya ngunit huli na dahil nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa katre. Muli kong pinagpatuloy ang aking ginagawa hanggang mamuti ang kanyang katawan dahil sa tulo ng kandila. Kinuha ko ang pinatalas kong kutsilyo. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kumikintab kong hawak.
Unti- unti kong inahit ang kanyang buhok hanggang kanyang leeg. Namimilipit siya sa sakit at hapdi na lalo ko namang ikinatuwa. Ipinagpatuloy ko hanggang sa kanyang braso at mga daliri.
" huwag!!!" Pigil niya sa akin nang akmang ko nang sisimulang balatan ang kanyang dibdib.
" maawa ka saakin, hindi ko sinasadyang pansamantalahan at patayin ka!" Tumingin ako sa kanya at nagpakawala ng malademonyong ngiti. Itinuloy ko ang aking ginagawa, nagsisigaw naman siya. Napuno ng sigaw ang bahay na iyon. Hanggang sa mabalatan ko ang kanyang buong katawan. Ngayon nama'y kitang- kita ko ang kanyang mamula- mulang mga laman. Agad ko namang kinuha ang takore at ibinuhos sa kanya ang kumukulong tubig. Muling siyang napasigaw ng malakas. Humalakhak ako tila isa itong musika sa aking pandinig. Hindi pa ako nasiyahan kaya't muli kong kinuha ang kutsilyo. Sinimulan kong saksakin ang kanyang dibdib, hiniwa ko ang kanyang tiyan at dinukot ko ang kanyang mga mata.
Humalakhak ako nang humalakhak hanggang sa ako'y mapagod.
" salamat amang herbuko sa pagbibigay saakin ng kalayaang makapaghiganti."
Isang halakhak lamang ang sagot ng diyablo.END
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...