UHS HUNTER FILES
MUKHA
BY:GEMVILLANakangising sinimulang hiwain ni Lance ang mukha ng dalawang taong gulang na bata sa harap ng ama nitong si Drex. Iyak ng iyak ang bata dahil sa sakit dulot ng matalim na kutsilyong gamit ng lalaki. Nakakangilong iyak ng batang nasasaktan. Hindi maigalaw ng bata ang kanyang katawan dahil nakabalot siya sa puting kumot na ngayon ay kulay pula na dahil sa dugong nagmumula sa mukha nito
Samantalang si Drex naman ay mahigpit na nakagapos sa isang silya. Ang asawa nito ay nakalambitin sa gitna ng abandonadong kubo sa gitna kakahuyan kung saan sila naroruon. Warak ang dibdib nito hangang sa tyan, kaya labas ang lamang loob nito at puno ng dugo ang katawan nito. Duguan din ang ulo nitong wala nang mukha.
Nagulat si Drex ng biglang hatakin ni Lance ang mukha ng anak kasabay ng malakas na iyak nito. Halos panawan siya ng ulirat nang ibinalandra ni Lance sa harapan niya ang mukha ng kanyang anak.
Nakangising inilagay ni Lance sa malinis na garapon ang mukha at itinabi sa mukha ng kanyang asawa. Nakangising binalingan siya ni Lance na hawak ang kutsilyong ginamit sa kanyang mag-ina. Hinawakan siya nito sa pisngi at ekspertong hiniwa din ang kanyang mukha. Makalipas ang ilang minuto ay nakalahad na sa kanyang harapan ang kanyang mukha. Halos pula na ang nakikita niya dahil sa dugong umaagos sa kanyang mga mata mula sa duguan mukha.
Ibinaba nito ang kanyang asawa at inilagay sa kanyang kandungan. Inilagay naman nito sa kanyang paanan ang walang buhay nang anak.
"Paalam kaibigan ko!" Nakangising paalam ni Lance sabay tarak ng kutsilyong ginamit nito sa kanyang puso.
Humahalakhak na umalis si Lance bitbit ang tatlong garapon kung saan nakalagay ang mukha nina Drex.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...