UHS HAUNTER FILES
Basement
By Abby FernandezAgad lumabas si Menche pagkahinto ng kotse nila sa tapat ng magiging bahay nila. Lumabas na rin sa kotse ang magulang nya.
Inilibot nya ang paningin sa buong paligid ng bahay. Napako ang tingin nya sa isang bakal na swing na gumagalaw na tila may naka-upo at dinuduyan ito.
Hinawakan nya ang upuan ng swing sanhi ng paghinto nito at sya ang umupo dito. Nag-swing sya at tumingala sa langit.
Nag-aagaw na pala ang liwanag at dilim sa kalangitan. Nagtaasahan ang balahibo ni Menche ng dumaan ang malamig na hangen na para bang dinaanan sya ng patay.
Pinikit nya ang mga mata at nag-isip-isip. Mula kanina pagdating nila sa Village na 'to, wala syang napansing pagala-galang tao kahit isa. Bawat madadaanan nilang bahay ay tahimik na animo'y abandunadong lugar.
"Aaahh!!" Gulat na sigaw ni Menche nung pagdilat nya ng mata nya ay bumungad sa kanya ang isang batang babae na may hawak na teddy bear.
"Okay ka lang ba dyan, Iha!?" Sigaw ng Papa nya.
"Opo!" Sagot nya at binaling ang atensyon sa batang babae ngunit tumakbo na ito.
Nagising si Menche mula sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog nya ng may narinig syang mga yabag ng paa.
"M-may tao ba dyan?" Dahan-dahan nyang inikot ang doorknob, kasabay nun ay sunod-sunod na pagkabog ng dibdib nya sa sobrang takot. Pagbukas nya wala naman syang nakitang tao. In-on nya ang ilaw ng buong bahay at tinungo ang sala para silipin kung may tao, ng biglang magpatay-sindi ang ilaw ng bahay at may nakita syang babae na nakatalikod sa kanya. Nakatayo malapit sa bintana.
"S-sino ka?" Pinipigilan nya ang takot sa boses nya. Napasigaw sya ng bigla itong lumingon sa kanya.
May dugong lumalabas sa mga mata nya at nakalutang sya.
Agad syang tumakbo patungo sa isang bakanteng kwarto at ni-lock ito. Naririnig nya ang papalapit na yabag ng paa habang sya naman ay naglalakad paatras. Nakita nyang umikot ang doorknob kaya mas lalong nanginig ang paa nya.
Patuloy sya sa pag-atras ng bigla syang mahulog pababa sa isang basement. Merong agnas na bangkay na nakaupo at nakatali ang kamay at paa nito na mas lalong nagpanginig kay Menche hanggang sa mawalan sya ng malay.
Naramdaman nyang may yumugyog sa kanya, Pagdilat ng mata nya at bumungad ang mukha ng magulang nya. Agad nyang niyakap ang mga ito at kinwento lahat ng nangyari kaya napag-desisyunan nila na lumipat nalang ng ibang matitirhan. At ang nakita nyang bangkay sa basement ay pinalibing nila para matahimik na ang kaluluwa nito. Ang bangkay ay dating kasambahay ng may-ari ng bahay na 'to. Minaltratn sya ng amo nya, hindi pinapakain at kinukulong pa. Huli syang kinulong dito sa basement habang nakatali ang kamay at paa. Namatay sya sa gutom dahal 1 Week syang nakakulong sa basement ng hindi pinapakain. 'yan ang kwento ng kapit-bahay namin saamin.-The END-
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...