SA DULO NG KALINGKINGAN

126 7 0
                                    

Sa Dulo ng Kalingkingan
@TheFallenPrime

Tanging liwanag lamang ng buwan and nagsisilbing ilaw habang tinatahak itong daan na hindi ko alam ang patutunguhan. Pang ilang takbo ko na ba ito? Pang-ilang beses ko na bang tinakasan ang katotohanan? Pangsiyam? Sampu? Hindi ko na mabilang!

Takte! Nilalait na naman nila ako! Kung nandito lang sana siya! Kung nandito lang sana ang lalaking palagi akong pinagtanggol. Ngunit wala na siya! Kaya't mas gugustuhin ko nalang ang tumakbo nang tumakbo. 'Di ko alintana ang hapdi ng mga sugat dulot ng hindi ko pagsuot ng sapin sa paa. Maging ang mapangutyang hampas ng malamig na hangin ay hindi ko ponansin. Hahanapin ko siya!

Napalunok ako ng laway nang marinig ko ang mahinang pagsipol. Ramdam ko talaga ang mga matang nakaalingid sa'kin. Palakas nang palakas ang pagsipol hanggang sa halos nasa tapat na ito ng kaliwa kong tainga. Nanginginig na ang aking mga paa lalo na't aking napagtanto na hindi basta-bastang awitin ang kanyang sinisipol.

Glo-gloomy sunday! Hindi ko makakalimutan ang awiting ito sapagkat minsan ko na itong napakinggan at alam kong may nakakubli itong misteryo! Kahit natatakot ay buong-tapang ko itong nilingon ngunit walang ni-isang tao ang nandoon. Iginala ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala talaga. Hays! Isang buntong-hininga nalang ang aking pinakawalan at magpatuloy na sana ako sa pagtatakbo nang isang mahinang bulong ang aking narinig.

"Gie-laii!"

Halos mapako ako sa aking kinatayuan nang marinig ko ang katagang iyon! Ang lamig ng kanyang boses na parang galing sa ilalim ng hukay ngunit alam kong sa kanya parin 'yon. Nasaan ba siya? Bakit ayaw niyang magpakita sa'kin?

Napapikit nalang ako nang isang malamig na hangin ang dumampi sa'king pisngi. Napakatahimik ng paligid na tanging paghinga ko lang ang aking naririnig. Ngunit sa di kalayua'y randam ko ang mga kaluskos, mga yabag na alam kong papalapit sa'kin pero nanatili parin akong nakapikit. Nagsimulang dumaloy ang masagana kong luha. Bakit ngayon kalang? Bakit mo'ko iniwan?

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong nasa tapat ko na siya. Ngunit halos maglaho ang aking kaluluwa sa aking nasisilayan! Halos 'di ko na siya mamukhaan! Basag ang kanyang mukha na ginagapangan ng mga uod at mangilan-ngilan nalang ang kanyang buhok. Nakakaagaw-pansin rin ang isang pako na nakatusok sa kaliwa niyang mata maging ang napakasangsang niyang amoy na halos bumaliktad na ang aking sikmura. At mas nagulantang pa ako nang inilaad niya ang kanyang kamay. Naaagnas na ang apat na daliri nito ngunit buo parin ang kanyang kalingkingan! Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Kanina pa ako nangangawit. Kanina pa nanunuyo ang aking mga labi. Hindi ko na kaya! Ngunit hindi ako bumigay sa halip ay kinuha ko ang kanyang kalingkingan at sa muling pagkakataon ay naglapat ang mga ito. Oo! Gaya ng kanyang ipinangako ay tinupad niya ito! Bigla niya akong hinila. Hindi ko na siya tinanong kung saan ang tungo namin sapagkat alam ko na ang sagot nang nalagpasan namin ang dalawang puntod. Mga puntod na nakaukit ang aming mga pangalan.

Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon