TULA NI HARING ASWANG

113 5 0
                                    

UHS HAUNTER FILES
-*
Tula ni Haring Aswang
**
#Cupid_wizard
***

Lumaki ako sa mundong hindi ko ninais.
Pagmulat pa lang ng aking mga mata ay nakaukit na sa aking palad ang pagiging ganito.
Titigan mo ako!
Na para bang ako lang ang pinakagwapong lalaki rito sa mundo.
Na para bang ako lang din ang dati minahal mo ng totoo.
Ang mata kong nagpa-akit sa 'yo ay titigan mo.
Bakit ka umiwas ng tingin? Natatakot ka rin ba sa akin? Dahil ba sa pamumula ng mga mata ko o sa ngipin kong mala-bampira ang dating?
Masdan mo ako!
Ang kutis at abs kong nagpa-ibig sa 'yo.
Ang mukha kong singkinis ng mansanas.
Ang buhok kong bumagay sa dating ko.
Oh! Bakit ka lumalayo?
Dahil ba sa naging maitim at nababahiran nang buhok ang balat ko o sa buhok kong singkapal na ng bruhang mangkukulam?
Ang mukha ko bang kumulubot o ang bibig kong nagsisilabasan ay dugo?
Lumapit ka sa akin!
Gaya noong mga sandaling walang pumapansin sa akin.
Huwag kang matakot sa akin!
Gaya noong mga sandaling ikaw lang ang hindi natatakot sa akin.
Yakapin mo ako!
Gaya noong mga sandaling umiiyak ako.
Bakit ka lumalayo?
Sa tingin mo ba kaya rin kitang patayin?
Oo, marami na akong pinatay.
Oo, pati mga kaibigan mo kinain ko na.
Oo, ako ang mesteryosong pumapatay sa bayan natin.
Patawarin mo ako!
Na para bang pinapatawad mo ang kapatid mong inagawan ka ng laruan.
Pagpasensyahan mo ako!
Na para bang wala kang alam.
Hindi ko sinasadya.
Tulad ng tao ay may itinakda rin kaming gawin.
Kung kayo ay itinakdang kumain ng gulay, prutas at karne, kami naman ay tao.
Minsan kumain kami ng karne pero hindi pa rin sapat.
Wala kaming magagawa!
Lalamunan ko ang mismong tumatakam sa tuwing nakakakita ng tao.
Wala kaming magagawa!
Itinadhana na kaming patayin ang mga tao para mabuhay.
Tulad ninyo ay hinahangad lang din naming mabuhay.

--
Napaluha ako habang binabasa ang malatulang sulat ng aswang na si Hari. Si Hari na kasakalukuyang nasa harapan ko.
"Hari, lumayo ka na!" mangiyak-ngiyak kong sambit. Hawak ko ang baril pero hindi ko ito kayang iputok. Maliban sa tulang nabasa ko ay napamahal na rin sa akin ang lalaking hindi ko inaakalang aswang.
"Germalyn, mahal kita." Nagulat ako sa narinig.
"Hari, aswang ka. Tao ako. Hindi tayo puwede para sa isa't isa," wika nito.
"Pero..."
"Lumayo ka na! Magpakalayu-layo ka na!" Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya. Naririnig ko na rin kasi ang nagsisitakbuhan at nagbabarilang pulis mula sa labas ng building.
"Paalam at hanggang sa muling pagkikita," naisawika ko na lamang habang unti-unting nawawala sa harapan ko si Hari.

--
"Mga salot at walang awang mga aswang sa lipunan," Napahinto ako sa pagbabaliktanaw ng marinig ang boses mula sa likuran ko.
"Hindi lahat ng aswang masama. Parang tao lang din iyan. Hindi lahat ng tao mabubuti."
"I'm back, Germalyn." Napatitig na lang ako sa kanya.
"Wahhhh!" nanlaki ang aking mga mata at napasigaw. Oo, siya nga. Si Hari.

Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon