FEAR YOU

91 3 1
                                    

UHS HAUNTERS FILE
Fear You
By; Ain

Basahin mo itong maigi! Kapag hindi mo binasa ito, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo. Narito ako ngayon, nakatayo sa labas ng bahay mo, may hawak na bolo pinagmasdan ka habang nakaupo.

Mamayang gabi o sa mga susunod, babalik ako. Daraan ako sa likod ng bahay n'yo, at gagawin ko ang lahat makapasok lang ako sa loob. Maghanda ka, siguraduhin mong mulat ang mga mata mo, dahil kapag nakapasok na ako at naratnan kitang natutulog, humanda ka.

Una kong tatagain ang leeg mo, isusunod ko ang mukha mo. Pagkatapos ko sa mukha, pagpuputul-putulin ko rin ang katawan mo. Ang bituka mo, isasabit ko sa labas ng bahay n'yo. Ang mga mata mo, dudukutin ko gamit ang mga daliri ko. Isusubo ko ito, ngunguyain hanggang sa magkalusak-lusak sa bibig ko.

Ngayong alam mo na ang gagawin ko sa iyo, maghanda ka na. Siguraduhin mong handa ka sa lahat ng oras. Kung hindi mo gagawin 'yon, mamamatay kang 'di mo nalalaman. Pagkatapos ko sa iyo, isusunod ko ang pamilya mo. Kahit magmaka-awa sila sa akin, 'di ko sila papakinggan. Alam ko ang lahat ng tungkol sa iyo, matagal na kitang minamanmanan, gayoon din ang pamilya mo.

Ang mga kapatid mo, dudurugin ko ang kanilang mga ulo gamit ang isang malaking bato. Ang Ina mo, tatanggalan ko siya ng dila, pagkatapos pupugutan ko siya ng ulo. Ang Ama mo, lulumpuhin ko muna ang kaniyang buong katawan, pagkatapos ay saka ko siya babalatan ng buhay. Pagsasama-samahin ko ang bituka ninyo at isasampay ko sa labas ng pintuan ninyo. At ang mga ulo n'yo, ilalaga ko, gagawin kong pang- ulam sa araw-araw. Kaya kung ako sa iyo, maghanda ka na. Mamayang gabi o sa susunod na mga araw, sisimulan ko na ang aking plano. Wala akong itinakdang araw para maging kaabang-abang ang lahat ng mangyayari. Ang gusto ko lang ay paghandain ka para alam mo na ang mga ang iyong sasapitin.

Wala akong awa lalo na sa mga taong nagiging biktima ko. Kaya magpasalamat ka, kung madalian lang ang pagkamatay mo. Pero minsan, gusto ko muna makitang nahihirapan ang biktima ko. Gusto ko 'yong naghihihiyaw sila sa sakit dahil sa hirap ng dinaranas nila. Gusto ko rin 'yung pagmamaka-awa nila na patayin ko na sila at 'wag ng pahirapan pa. Labis ang kasiyahang aking nadarama sa tuwing nagkakaganon ang mga biktima ko.

Habang binabasa mo ito, 'wag kang lilingon sa likuran mo, dahil baka 'di mo alam nasa harapan mo na pala ako at handa ng tagpasin ang ulo mo.

-End

Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon