UHS HAUNTER FILES
Dinosaur Attack
Written By: John Carlo SyNabahala ang mga tao dahil ilang araw nang hindi sumisikat ang araw. Maputla ang kulay ng kalangitan at natatakpan ng mga itim na ulap. Ilang araw na ring binabalot ng dilim ang buong lugar. Kahit saan sila magpunta, wala silang makitang umaga o liwanag. Ang nakapagtataka pa rito, kasabay ng pagkawala ng umaga ay ang pagkawala rin ng buong kuryente o elektrisidad sa buong lugar.
Pagkaraan ng ilang mga araw, ganoon na lamang ang pagkasindak ng mga tao nang masilayan ang dambuhalang dinosaur na gumagala sa parke. Lahat ng matamaan ng mahaba nitong buntot, wasak! Lahat ng kotseng matapakan nito, pisa! At sa tuwing sisigaw ito, magdudugo ang tainga ng mga tao sa pagkabingi.
Walang nagawa ang mga tao kundi lisanin ang kanilang mga tahanan na tanging mga sarili lamang nila ang kanilang dala-dala. Sa sobrang takot nila, wala na silang naisalbang mga gamit. Natapakan at nawasak na lahat ng gumagalang dinosaur.
Habang nagkakagulo ang mga tao sa pagtakbo, makikita sa kanilang mukha ang iba't ibang expression ng takot at kalungkutan. Merong tumatangis, merong nagdadasal, merong humihingal sa pagod, at merong sumisigaw.
Nang malagas na lahat ng tao sa lugar na iyon, mas dumami pa ang mga dinosaur na makikita sa paligid. Iba't ibang klase ng dinosaur. May gumagapang, may lumalakad, may lumilipad, at merong nasa tubig!
Hindi nagtagal ay gumala naman ang ibang mga dinosaur sa iba pang panig ng lugar. Muling magbabalik ang panahon kung saan ang mga dinosaur muli ang mamumuhay sa buong mundo! At dahil iyon sa isang pumalpak na eksperimento ng isang scientist na sinubukang buhayin ang mga nilalang na matagal nang namayapa!
- END OF THE WORLD -
THE TIME HAS COME!
THE FUTURE HAS DONE!
THE PAST HAS BACK!
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...