A.B Building
kimdt6
Ramdam kong mayroong sumusunod sa akin ngunit 'di ko marinig ang kaniyang yabag. Dahil sa kuryusidad ay lumingon ako sa aking likuran kung saan iyon nagmula. Tila pinako ako sa aking kinatatayuan. Lumantad sa harap ko mismo, ang babaeng duguan ang mukha at nakaangat ang mga paa. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sa akin. Nanginig ang buo kong katawan sa sobrang takot at tumindig ang aking mga balahibo. Nagmadali akong tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Madalim at patay ang mga ilaw. Nakikita ko ang mga nakasarang pinto at bintana sa aking dinaraanan. Nang ako'y makalabas sa building na iyon ay doon lang ako huminahon.
Ayon sa ilang estudyande ang Old Administration building sa aming paaralan ay mayroong multo ng nagpakamatay na babaeng estudyante dahil sa ito ay nabuntis ng isang teacher. Totoo nga na nagpaparamdam ang estudyanteng iyon at ako mismo ang nakakita sa kaniya.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
HorrorMay mga bagay na hindi nakikita, nararamdaman, at nalalaman ng iba. Ang mundo ay sadyang kakaiba at 'di kapani-paniwala. Ito'y puno ng lihim na nagkukubli sa dilim at bumubulag sa katotohanang hindi batid ng karamihan. Kaya mo bang tuklasin ang lihi...