Ito po ang chosen music para sa chapter na ito. Hope you like it!
Bestfriend- Jason Chen
Credits sa may ari ng music video na yan!
Love lots!!!!
~~~~~~~~~~~~~
Cassandra's P.O.V
Di ako nakapag focus sa unang araw ng pasok ko dito sa M.A. Paano ba naman nararamdaman ko ang titig ng mga nasa likod ko. Nakaka-ilang kasi pag may nakatitig sayo.
"You will have a post quiz tomorrow so better prepare yourself"sabi ng proffesor namin sa history.
Nag reklamo naman ang aking mga kaklase. But that's the least of my concern. Mag b-breaktime na kasi! And I'm really hungry!
*Kkkkkriiiinnnnnggggg*
Tumunog na ang bell sign na breaktime na. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas ng classroom. Inayos ko naman ang mga gamit ko at inilagay na sa bag ko. Nang pababa na ang mga tao sa likod ko ay nginitian ako nung babaeng nakabasa ng isip ko kanina.
Sana lang ay di niya sabihin sa mga kasama niya yun. Masisira yung reputasyon ko.
Pagkatapos ko magligpit ay umalis na ako sa classroom at pumunta sa locker ko. Ilalagay ko muna ito duon. Ayokong magdala ng gamit.
Nang makarating na ako sa aking locker ay inilagay ko ang aking mga kailangan para sa susunod kong klase. Chineck ko kung nasa bag ko na lahat at inilapag yun sa isang side. Mahirap na baka kulang eh.
Nagulat ako ng bigla may sumigaw ng napaka lakas dito sa malaking corridor. ANG INGAY!
"CASSANDRAAAAAAAAAA!!!!!!" Sigaw niya.
Teka parang pamilyar ang boses na iyo ah. Sandali wag mong sabihin na---
"Cassandra!" Sigaw ulit niya at niyakap ako.
Sabi ko na nga ba eh! Kilala ko yung boses na iyon. Isinara ko naman ng malakas ang locker ko at inalis ang pagkakayakap niya sa akin.
"I miss you!!!" Tuwang tuwang sabi niya at niyakap ulit ako.
Nakakainis talaga itong lalaking ito! Parang kabute bigla nalang sumusulpot.
Nakita ko naman ang mga masasamang tingin ng mga babae saakin. Yun bang tingin na halos patayin ka na! Kainis tong lalaking ito!
Inalis ko naman ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap siya. Di pa rin pala siya nagbabago. Hanggang ngayon pala ganyan parin ang ugali niya at pati ang peste niyang mukha.
Mukhang kakagising niya lang dahil yung mata niya ay may muta pa at ang buhok niya ay sobrang gulo. Di siguro to pumasok ng first subject.
"Tumigil ka nga! Halos araw araw ka na ngang dumalaw sa bahay para pestihin ako! Tapos ngayon sasabihin mo na na-mi miss mo ako?! Niloloko mo ba ako?!" Inis na sabi ko sa kanya sabay irap. Nagpout naman siya and he smiled boyishly.
"Grabe ka naman! Parang di mo ako namiss! At ang OA mo ha! Hindi naman araw araw yun! Tuwing Sabado lang!"sabi niya at ginulo ang buhok ko. One thing that I don't like is when he messes my hair!
"May mga ipapakilala pala ako sayo!" Sabi niya at tumingin sa isang direksyon "Ohhhhhayan na pala sila!"
Inis ko namang tinabig ang kamay niya at tumingin sa direksyong tinitignan niya. Nagulat ako ng makita kung sino sila. Sila yung mga kaklase ko. Tsss I should have known na barkada sila ng pesteng kabuting ito.
Nang makalapit na sila sa amin ay hingal na hingal sila. Nung nakabawi sila sa pagkahingal ay ngumiti sila sa akin. Tinignan naman nila ng masama ang lalaking nasa tabi ko. Pinagsasapak nila si Terrain kaya dali-dali siyang nagtago sa likod ko.
"Bakla"sambit ng kasama nila na kulay blue ang buhok at inikutan si Terrain ng mata.Lumapit sila sa akin at ininspeksyun ako.
"So you must be Cassandra?"tanong ng isang babaeng kulay abo ang buhok.
"Tama nga si Terrain maganda ka!" Sabi nung lalakeng sinabihan ko kanina ng makalag lag panga.
"Tsss" inis na napatingin kay Terrain yung isang lalakeng kulay red ang buhok. Yung tumingin saakin sa klase. Nung nakita ko siya ay nagkaruon ako ng instant blush on sa mukha.
"Tama na nga yan! Magpakilala nalang kayo kay bestie!"sabat ni Terrain saka nagpout ulit. Tinignan naman nila siya uli nang masama at nagpakilala na sa akin.
"Hi! My name is Liana Aqua Elisse Martinez! Liana or Lia for short! 17 na ako and I'm the water holder!" Masiglang sabi ng babaeng kulay asul at puti ang buhok. Maganda siya. Matangos ang ilong,makinis ang balat, pink ang labi at asul ang mga mata. nakipagkamay siya sa akin at umalis na. Lumapit naman sa akin ang isa pang babae.
"Hi! Ako si Maria Airess Jhame Heira! Airess for short! 17 na rin ako and I'm the air holder!" Katulad ng una ay maganda ito. Maputi,kulay abo ang buhok, red lips and black eyes. Hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi.
Sunod na lumapit sa akin ang isa pang babae. She has a goldish hair , white skin, red lips, brown eyes and thick eyelashes. Siya yung bumasa sa isip ko nung nasa klase kami.
"Hi! My name is Maddieline Sunshine Harp Granger! And yes as in harry potter granger! 17 na rin ako at ako ang light holder!" Pagpapakilala niya. Niyakap naman niya ako at may binulong.
'I read your mind kanina! Don't worry di ko sasabihin sa kanya! Pero parang mas gusto mo si Red hair kaya take your time!' Bulong niya at bumitaw sa yakap. Nag blush ako. She just chuckled and winked at me.
Sunod namang nagpakilala ang mga lalaki.
"Hi! My name is Jordan Dhane Sky Sinclaire! 18 na ako at ako ang pinaka matanda sa grupo. And I'm the thunder holder!" Masayang bati niya at ngumiti siya ng napakalapad. Maputi siya at mapupula ang labi. May highlights ang buhok niya na silver at kulay gray ang mga mata. Nakakalaglag panga. Sunod na nagpakilala ang lalaking dahilan ng hiya ko kanina.
"Hi! My name is Aidan Ice Ruis Warlock! 17 and I'm the ice holder" sabi niya habang nakaplaster sa mukha niya ang isang boyish na ngiti. Maganda ang mga mata niya--- kulay blue at matangos ang ilong. Mapula ang mga labi, maputi at maganda ang katawan niya. Kulay asul ang kanyang buhok na bumabagay sa kanyang features. Nakakainis makalaglag panga talaga.
Pagkatapos niyang magpakilala ay sumunod ang lalaking naka pokerface. Siya din yung lalaking tumingin saakin kanina sa klase. Yung tipong nakakatunaw. Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay.
"James Christian Simon Cadwell. In short Jayce. 17 and a fire holder." Pagpapakilala niya. He has red eyes, red lips, red hair and white skin. Tinanggap ko ang kanyang palad na nakalahad at nakipagkamay. Mainit ang kamay niya at malamig ang sa akin. Like fire and ice meeting.
Inalis niya agad ang kamay niya sa akin. at nagtaka kung bakit sobrang lamig nuon at ang kanyang kamay ay sobrang init.
"My name is Terrain Luis Timothy Mistica! 17 and I'm from---"di ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil binatukan ko na siya.
"Hindi to pangeant!!" Bara ko sa kanya. Nag pout lang ang mokong at biglang nagkunot ng nuo. Ako na lang ang magpapakilala sa inyo sa bestfriend kong pinaglihi yata sa kabuti. Terrain has red lips,green eyes,white skin, and brown hair. Napakachildish din niya pero mabait at super responsibel....,minsan.
"Ikaw na magpapakilala" baling sa akin ni Terrain. Napabuntong hininga naman ako at nagpakilala na nga. Ayoko na din patagalin ito dahil may mga gagawin pa kami.
"Hi. My name is Cassandra Samonte. 17. ice holder" nakita ko ang gulat za kanilang mga mata. Surprise.
BINABASA MO ANG
The Legendary Princess
FantasyHighest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong but afraid. She's calm but reckless. She's quiet but smart. She's beautiful but deadly. Her name is C...
