22 found

23.7K 586 5
                                    

OMYGG! SOWER GUYS DAPAT KAHAPON KO ITO IPUPUBLISH BUT THEN NABURA SIYA! DI KO ALAM KUNG BAKIT NABURA BUT NAGPAPASALAMAT NALANG AKO KAY LORD NA NA ICOPY PALA SA DIARY NA APP ITONG CHAPTER NA ITO DITO SA CP KO! MUNTIK NA AKONG MAGWALA! OK OA NA AKO😂 SORRY SA SLOW UD GUYS! SO ETO NA DI NA AKO MAGAPPALIGOY LIGOYS PA! LOVELOTS ENJOY❤❤❤💕💕💕💕💪💪💪 POWER!

=================

Jordan's P.O.V

Yung marka..........

Rosas na may nakapalibot na ahas..........

Hindi maari............

"JORDAN! KAILANGAN NATING PUNTAHAN ANG KAPATID MO!!!!"natatarantang sabi ni Jayce.

Kapatid ko.

Ang kapatid ko ay si Cassandra....

Bigla naman akong nabuhayan nang dugo at hinila ko agad si Airess na nasa tabi ko na ngayon ay nakatulala na.

Ganon din naman ang ginawa nang iba nagteleport agad kami sa pinakababa nang building at tumakbo sa loob nang gubat.

"Sa tingin niyo saan dinala ni Terrain si Cassandra?! "Natatarantang sabi ni Maddie na ngayon ay hawak ang kamay ni Aidan.

Natahimik naman kaming lahat.

All this time hinahanap ko ang kapatid ko at yun pala nasa tabi ko lang siya?

"Sa M.K niya dinala si Cassandra"nakapikit na sabi ni Cassidy bigla umilaw ang mata niya nang ibinukas niya ito.

"Nasa bingit nang kamatayan si Cassandra!!"naiiyak niyang sabi at bigla siyang nahimatay. Buti nalang at nasalo siya ni Ian.

BINGIT NG KAMATAYAN?!

HINDI!

Nagteleport agad kami sa M.K

At pagkapasok namin sa loob nito ay nakita namin si Terrain na nakahandusay sa gitna at umiiyak si mommy at daddy na ngayon ay kasalukuyang kausap si Arlia.

Si arlia ang punong mangaggamot dito sa M.K. at siya din ang pinaka magaling na witch sa larangan nang medisina.

Tumakbo naman ako palapit sakanila at yumakap sa kanila. Sumunod naman saakin ang iba na ngayon ay umiiyak na din. Akay akay naman ni Ian si Cassidy na ngayon ay may malay na ngunit nanghihina pa rin dahil sa ibinuhos niya ang lahat nang enerheya niya para lang malocate si Terrain.

"Arlia. Siya ba talaga si Adriana? Siya ba talaga ang anak ko?"naluluhang sabi ni daddy.

"Oo. Siya nga si Adriana. Pero ngayon ay nasa bingit siya nang kamatayan." Sagot ni Arlia. At bakas din sa kanyang mga mata ang pagaalala kay Adria--- Cassandra.

"Bakit anong nangyayari?! Bakit nasa bingit siya nang kamatayan?!" Naghehesterical na sabi ni mommy. Pinakalma ko naman siya at pinaupo.

"Nasa kalagitnaan siya ngayon nang isang enchantment. Kinakalaban niya ngayon ang dark lord na siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa reyna ng underworld. At malaki ang pagaasang mananalo siya. Ngunit naihiwalay sakanya ang puti niyang pakpak. Kaya ngayon ay may tyansang mamatay siya........................." naiiyak na sabi ni Arlia.

Hindi maaari ito! Kailangan naming maligtas ang kapatid ko dahil kung hindi ay..... Malalagay sa alanganin ang kaligtasan nang bawat mamamayan sa M.K

"A-anong nangyari kay Terrain?" Nagaalalang tanong ni Liana na ngayon ay naiiyak na.

"Alam niyo naman siguro ang tungkol sa Element guardians niyo diba?"tanong saamin ni Arlia

"Ang element guardian ay ang nagsisilbing tagapagbantay nang isang Enlighter. At si Terrain ang napiling maging element guardian ni Adriana na si Cassandra pala."- maddie.

"Tama. At dahil siya ang guardian nang prinsessa ay nasa bingit din siya nang kamatayan dahil iisa na sila ng prinsessa. At pagdi nagtagumpay ang prinsessa ay mamatay silang dalawa" pagpapaliwanag ni Arlia.

"H-hindi!!!" Umiiyak na sabi ni lia at tumakbo papalabas nang palasyo. Sinundan naman siya Maddie at Aidan.

"M-may m-magagawa pa po ba k-kami para matulungan si Cassandra?" Nauutal na sabi ni Cassidy. Pinilit niyang magsalita kahit nang hihina parin siya.

Napatingin naman siya saamin at paramg may gusto siyang sabihin saamin pero nagaalinlangan lang siya.

"Kung ano man yun. Gagawin namin para lang maisalba si Cassandra."mariin na sagot ni Jayce.

Mukhang kailangan ko na yatang gwardiyahan ang kapatid ko.

"Meron. P-pero dilikado." Sabi no Arlia.

"Kahit ano pa yan gagawin namin. Dahil gusto naming mabuhay siya. At ito narin sana ang magsisilbing instrumento para mapatawad at makabawi na ako sakanya." Puno nang determinasyong sabi ni Ian.

"Sabihin mo na. Dahil hindi magbabago ang isip namin. Ililigtas namin ang kapatid ko. Kahit buhay ko pa ang kapalit para lang mabuhay siya."sabi ko.

Napabuntong hininga naman saamin si Arlia at sinabi niya na ang bagay na kailangan naming gawin.

"Kailngan niyong pumunta sa Death Valley forest na nasa gitna nang underworld at Majestique kingdom para hanapin duon ang puting pakpak ng prinsessa at ikabit yun sa kaniyang likod bago matapos ang pangatlong araw na siya ay walang malay. Dahil kung hindi ay mamatay na silang dalawa nang tuluyan."paliwanag ni Arlia.

"D-death v-valley f-forest?"takot na sabi ni mommy

"Yun lang po ang tangin paraan."sabi ni arlia at umalis na.

"Death Valley forest. Ang kagubatan kung saan nakatira ang mga mapapanganib na mga nilalang. Ay kagubatan kung saan nakatira ang mga butong buhay............ at ang kagubatan kung saan kukunti lang ang nakakauwing buhay.........."sabi ni daddy at tumingin saakin.

"Magiingat kayo agad. Gusto ko mang pigilan kayo pero wala na tayong magagawa. Dahil yun lamang ang paraan para maisalba ang kapatid mo. At para sa kapakanan nang lahat." Sabi mo daddy saakin at hinawakn niya ang aking dalawang balikat. "Mula nang araw na malaman ko na ang aking babaeng anak ang magiging tagapagligtas nang kahariang pinamunuan nang pamilya natin ay inilagaan ko siyang mabuti at inihanda ko na siya para sa magaganap na digmaan pag laki niya. At itinago ko pa sainyong dalawa ang tunay niyo ang isang bagay na alam kong mahalaga na malaman niyo." Sabi ni daddy at tumingin sa mga mata ko."Jordan. Ikaw ang legendary knight." Sabi ni daddy.

Nabigla naman ako. Ang legendary knight ang mamumuno sa mga guwardiya at mga iba pang studyante at mamayan sa magiging digmaan. Siya ang magtuturo sa lahat. At ang legendary princess naman ang magplaplano at mag bubuo nang nga hukbo na susugod.

"P-pero ang alam ko ang anak nang descendant of creation ang magiging legendary knight?" Tanong ko

Napailing naman si daddy.

"Mangyayari lamang iyon kung ang prinsessa ay walang kakambal."sabi niya saakin at ngumiti kahit na naiiyak siya si mommy naman ay nakatayo lang sa gilid namin at nakikinig.

Ibig sabihin ay nagsinungaling sila saakin at sa lahat.

"P-pero ang sinabi niy oako ang pinakamatanda sa lahat." Nagtataka kong tanong

"Sinabi namin iyon para maprotektahan ka. Dahil kung alam nila na ikaw ang legendary knight ay kukunin ka nila saamin at maaring patayin ka rin nila." Sabi ni mommy.

Hindi naman ako nakapagsalita.

"Magimpake na kayo at aalis kayo nang maaga. Kailangan niyong makuha ang pakpak nang prinsessa sa lolong madaling panahon. Dahil lumalala na ang kunisyon nila nang kaniyang elemental guirdian."rinig kong sabi ni Arlia na nasa harap na pala namin at may dalang mga duguang damit.

"Nagdurugo na ang ibang mga parte nang katawan nila at lung magpapatuloy pa ito ay baka 2 araw lang ay mamatay na sila. Pero gagawin namin ang lahat para maabutan niyo pa sila."sabi ni Arlia at magmadali nang umalis.

"Naniniwala akong magagawa niyo ito anak. Magiingat kayo." Sabi ni mommy at naggroup hug kami. Isinama na din ni mommy sila ian sa group hug namin.

The  Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon