Gray's P.O.V
Umupo ako sa damuhan at dahaan dahan kong hinaplos ang mga letra ng pangalan niya. Nilagay ko sa gilid ang bulaklak na para sakaniya at ngumiti ng mapait. Anim na taon na ang nakalips mula nung nakaraang war. Kahit ngayon ay di parin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Pakiramdam ko nananaginip parin ako.
"Tapos na ang lahat. Natalo na si mama emerald patay na rin siya..... Pero... Bat sumama ka sakaniya?" Sabi ko at naramdaman ko nalang ang mga luha saaking mata. "Akala ko sabay sabay tayong makakaalis sa dilim? Akala ko ba makakakwentuhan pa tayong lahat? Akala ko.... Akala ko hanggang huli walang iwanan?.... Akala ko lang pala..."
"Gusto ko pa sanang makita yung magiging kasal mo.... Yung maglalakad kami sa gitna ng altar at hihintayin ang pagdating mo. Ang paglalakad mo.... Yung mga anak mo... Yung mga anak ko... Gusto ko pa sanang makita... Gusto ko pa sanag makita kung sinong mga kamukha nila... Yung asarin ka.. Yung magsaran tayo... Bat kailangan mong sumama?"napahagulgul na ako sa iyak. "Sayang... Sayang...."
"Alam mo malulungkot siya pag nakita kang ganiyan"sabi ng isang boses at tinapik ang balikat ko. Tumayo naman ako at niyakap siya.
"Mama.... Bakit ganon? Nabuhay nga kayo.... Buhay nga kayo... Pero may ibag nawala... May ibang namatay...."sabi ko at lalong napahagulgol. "Bat hindi pwedeng masaya nalang lahat? Yung walang namamatay? Walang gulo?"
"Talagang ganiyan anak..... Dahil ang saya ay may kakambal na lungkot. Kung gusto mong mabuhay ay dapat handa kang mamatay.... At may gulo para mas maappreciate natin ang kapayapaan.... Yan ang buhay... Yan ang mundo." Sagot sakin ng isa oang tinig at ng tumingin ako ay ngumiti siya ng malungkot. Ngumiti rin naman ako ng malungkot.
"Bumalik na tayo... Baka malate tayo sa celebration" sabi ni mama at umalas sa yakap hinawakan niya ang kamay ko at inakbayan naman ako ni papa. Napangiti naman ako at napatingin uli sa puntod niya..... Kung di dahil sakaniya namatay narin sana kami.... Kung di dahil sakanila namatay sana kami...
Terrain's P.O.V
"Aray!!! Arayy!! Sandali lang Lia!!" Sabi ko at pinilit na patigilan si Liana sa paghampas sakin. Ansakit kaya!
"Antagal tagal mo kase!! Mal-late na tayo alam mo ba yun?!"mataray na sabi niya at nilakihan ako ng mata.
"Eh! Bat ba kase di na kayo nauna nila Lorrence at Telina?"tanong ko sakaniya at napakamot sa ulo.
"ABAT!"naiinis na sabi niya at lalo akong pinaghahampas hampas. Ahhhhh!!!! BAT BA PINAKASALAN KO TONG BABAENG ETO ULIII?! "SINONG KASAMA KONG MAGALAGA KUNG DI KA SASABAY HA?! NAGMANA PA NAMAN SILA SAYO! NAPAKAKULIT!"
"Aray! Aray eto na nga magsasapatos na! Lia naman ehhhhh!" Sabi ko at dali daling kinuha ang sapatos ko at sinuot iyon.
"DADDDDYYYYY!!! SI KUYAAAAAA INAAAAAWAY AKOOOOOOO!!!!! UWAAAAAHHHHH!!!"rinig naming sigaw ni Telina mula sa labas. Naging malakas naman ang pagiyak nito kaya napatigil si Lia sa paghampas saakin at dali daling naglakad palabas.
"HINDI KAYAAA!"Sigaw naman ni Lorrence. Nagaaway nanaman sila. Nakuuu! Yang dalawa talaga. "MOMMY OH SI TELINAAAAAA!"
"Bilisan mo jan Terrain!"nanlalaki ang mata na sabi ni Liana bago niya sinara ang pinto at sawayin silang dalawa.
Aidan's P.O.V
"Oh wag magulo! Maggie! Dahan dahan lang!" Suway ko kay Maggie na nagtatatakbo sa garden at pumitas ng isang sunflower. Hindi talaga siya nagmana sakin.

BINABASA MO ANG
The Legendary Princess
FantasyHighest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong but afraid. She's calm but reckless. She's quiet but smart. She's beautiful but deadly. Her name is C...