Kindly r-read po yung last part ng last chapter para di kayo malito inedit ko po kase yun kamsahamnidaaaaa😂😂😂😁😁. Eto na po yung next update ahahagaha kunteng kembot nalang po matatapos na ito ahahaha. Sana magustuhan niyo love lotsss😍💞💞 at special thanks nga po pala kay bshrln na gumawa ng bago nating cover yieeee ahahah😋😂 hope you enjoy😁😁😁
●●●●●●●●●●●●●○
Cassandra's P.O.V
"CASSANDRA! GRAY!" malakas na tawag samin ng isang boses.
Napalingon naman agad kami duon at tumakbo siya papunta samin.
Anong nangyayare?
Huminto naman sa harap namin si Ian na hingal na hingal.
"Anong problema ian?" Tanong sakaniya ni gray. Taas baba naman ang kaniyang balikat habang nakayuko at nakahawak sa parehas niyang tuhod para sa suporta.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko. namumutla kase siya. Hindi naman siya sumagot.
Nang makabawi siya sng hininga ay tumayo siya at ngpamewang sa harap namin. Nahilot niya ang sentido niya.
"Si maddie. Hinawakan niya yung kamay ni Cassidy tapos bigla nalang siyang nahimatay. Di namin alam kung bakit. Tapos pagkagising niya bigla niyang sinabi na maghanada tayo dahil susugod si Catastrophy." Pag eeksplena niya
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.
"ANO?!" Bulalas namin ng sabay ni Gray. Tinignan naman kami ni Ian na may pagaalala, galit, pangamba sakaniyang mga mata.
Sht.
"SERYOSO KA BA?!" Sigaw sakaniya ni Gray. Nakaigting na ang panga niya at nakatitig ng mariin kay Ian.
Tumango naman si Ian at di na mapakali.
"Saan sila susugod?" Tanong ko. Nanatili akong kalmado kahit na alam kong kinakabahan naman talaga ako.
"Dito"tipid na sagot niya. "Dalawang araw nalang daw ang natitira."
"Matagal pa. Dalawang araw ang sinabi niya. Ibig sabihin nun dalawang linggo satin." Sabi ko. Dalawang linggo. Dalawang linggo nalang.
"Hindi naman yun ang problema." Sabi niya at pilit pinapakalma ang sarili. "Ang problema ay hindi ko mahanap si maddie!" Sigaw niya.
Napakurap naman ako ng ilang beses at pilit ipinapasok sa utak ko ang sinabi niya.
Biglang sumama ang pakiramdam ko.
"Sigurado ka bang di mo mahanap si maddie?" Tanong ko "Di mo ba siya makontak through telepathy?di mo ba mahanap ang presensya niya?"
Umiling lang siya.
Para naman ang binuhusan ng malamig na tubig. Saan siya pumunta?
"Nilubot ko na ang buong school pero wala talaga..." sabi niya. Impossible..
"CASSANDRA!"Nagulat kami ng biglang tumambad sa harap namin si Terrain.
Hingal na hingal din ito.
"Anong nangyare sayo?"tanong ko sakaniya. Katulad ng nangyare kanina kay Ian. Pawis na pawis din ito at namumutla.
"Si maddie! Lumabas daw ng forcefield ng school! " sigaw niya. Natataranta.
Nagkatinginan naman kaming tatlo.
Ang kaninang kalmado kong sistema ay biglang nawasak ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi pwede to.
Marahas ko namang hinila ang kamay niya at kinaladkad siya sa loob ng akademya. Sinenyasan ko naman si Gray na manatili at bantayan ang mga estudyante.
BINABASA MO ANG
The Legendary Princess
FantasyHighest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong but afraid. She's calm but reckless. She's quiet but smart. She's beautiful but deadly. Her name is C...
