Cassandra's P.O.V
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami kung nasaan ang bahay ni Janizelle.
Ang sabi ni kuya Jordan mag-isang namumuhay si Janizelle. Isa siyang Inlighter pero mas pinili niyang mamuhay sa mortal world. May mga umampon daw sa kanya na mga tao kaya gusto niya dito na siya manirahan bilang isang simpleng tao.
Kasalukuyan kaming nakatayo sa harap ng gate nila Janizelle habang si Terrain naman ay nag door bell na.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na ang isang babaeng morena na may straight na buhok at mapupungay na mga mata. parang kakagising lang.
Binuksan niya ang gate at tinanong kami kung ano at sinong hinahanap namin.
"Sino kayo?"tamad na sabi niya
"Kami ang mga elight holders. Hinahanap namin ang prinsesa. At may nag sabi saamin na baka ikaw iyon." Pag papaliwanag ko.
Napaismid naman siya sa sinabi namin at pinapasok niya kami sa loob ng bahay nila. Pinaupo niya kami atsaka niya kinausap.
"Sino nagsabi sa inyo na ako daw ang prinsesa?"tanong niya.
"Ang HM namin. Pinaghihinalaan na ikaw daw ang prinsesa. May nakapagsabi sa kanya."pag papaliwanag ni Maddie
Napasimangot naman siya dahil sa sinabi ni Maddie at nagpalitaw siya ng hot chocolate at cookies.
"Kain muna kayo."yaya niya and she pointed us the cookies and hot chocolate.
Kumuha ako ng isang cookie at kinain yun. Kumain naman din ang iba kasi ayaw nilang maging rude kay Janizelle.
"Hindi kayo ang unang mga Inlighter na pumunta dito."panimula niya "madami na ring pumunta dito. At naiinis na ako. Ilang beses ko na kasing napatunayan na hindi ako ang prinsesa. Pero sila itong nagpupumilit."nakasimangot na sabi niya saka niya inabot ang isang hot chocolate at cookie
"So.Di nga talaga ikaw ang prinsesa?" Tanong ni Airess
"Oo"diretsyong sabi niya
"Pero paano mo napatunayan?"madiin na tanong ni kuya Jordan
"First of all. Yung powers ko. Sabi sa mga libro na ibinigay sa akin ng inlighter kong boyfriend. Una ang kapangyarihan niya. Kailangan daw ang powers na una niyang matututunan ay isang element." kwento niya "at isa akong red witch. Kaya imposibleng ako ang prinsesa. Pangalawa ay ang mga di mapaliwanag na signs. Katulad na lang ng pag-iiba ng hair color at pag-iiba ng kulay ng mata. Never pang nag-iba ang mga kulay ng mata ko at buhok ko.At pangatlo ay ang marka. Wala akong marka na rose at may nakapalibot na ahas."
Wait?rosas na may nakapalibot na ahas?
Napahawak na naman ako sa pulso ng kamay ko. At tinignan ito.
Isang rosas na may nakapalibot na ahas.......???
"Hmmmm so totoo nga na hindi ikaw ang prinsesa. "tanong ni Aidan. Nanatili namang tahimik si Jayce.
Tumango siya bilang sagot. Napabuntong hininga naman kaming lahat. So hindi nga siya ang prinsesa.
"Sige. Aalis na kami. Salamat pala sa pagkain heheheheh"diretsyon sabi ni Terrain.
Nagsitayuan na kaming lahat at nagtungo na sa labas. Hinatid rin kami ni Janizelle at umalis na kami.
Sunod naman naming pinuntahan ay ang bahay ni Caina.
Nagtaleport nalang kami para hindi hassle kaya nakarating na agad kami. Ngayon ay nakatayo kami sa napakalaking gate ng bahay nila.
Nagdoor bell na ako at saka bumaik sa aking posisyon. Mga aling minuto ang nakalipas ay lumabas na rin ang babae na hinahanap namin. Hindi katulad ni Janizelle ay kulot na kulot ang buhok ni Caina at maputi siya.
BINABASA MO ANG
The Legendary Princess
FantasyHighest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong but afraid. She's calm but reckless. She's quiet but smart. She's beautiful but deadly. Her name is C...
