Gray's P.O.V.
Second wave na at kahit anong gawin ko ay di ko parin mawala sa isip ko ang imaheng nakita ko kanina.
Ibinuhos ko ang lahat sa pakikipaglaban. Nakakainis. Nakakainis.
Pinatamaan ko ng puting bola ang lalakeng nasa harap ko sakto sa mukha. Iniisip ko nalang na siya yung lalakeng nasa tabe ng taong mahal ko.
"Ang daya mo....Ang daya daya mo..."sabi ko at saka sinaksak ang lalakeng iyon sa dibdib.
Napatingin naman ako sa baba at saka naiyak.... Ngunit pinunasan ko eto agad at saka sumugod ule. Ilang sandale lang ay nasa harap ko na ang lalakeng gustong gusto kong pahirapan.
Naramdaman ko naman na biglang may nagdagdag ng powers ko. Napatingin ako sa taas at nakita si Ian na seryosong nakatingin saken at si Liana na kinakalaban ang isang babaeng sobrang buhaghag ang buhok at may matulis na ilong.
Sinenyasan naman ako ni Ian ng thumps up at tinunguan ako saka tumingin kung nasan ang kakalabanin ko.
"Well. If it isnt the first love..." sabi namna niya at nginitian ako ng nakakakilabot.
Nagigting naman ang panga ko at napahawak sa espado ko ng mahigpit. Una siyang sumugod at sinangga ko namna eto at saka kami nag espadahan na parang wala ng bukas.
Marami mang tao sa paligid ngunit tanging sakaniya lang nakasentro ang atensyon ko.
Hindi ko alam kung bakit pero unti unting nagdidilim ang mga mata ko.
*BOOOOGSH!!!*
Bigla naman niya akong nasipa at ako naman ay napaupo.
Bumulong naman ako at saka siya lumubog sa lupa. Mabilis naman akong tumayo at saka itinapat ang mga kamay ko sakaniya at itinaas siya sa ere.
Unti unti ko namang inaalis ang hangin sa loob ng katawan niya sanhi para mapahawak siya sa kanyang leeg.
Ngunit di ko inaasahang bigla nalang siyang may ipapatama saaking itim na bola kaya nabitawan ko siya para sanggain iyon.
Lalong namuo ang galit sa aking katawan at nagsampit ako ng nagsambit ng nagsambit ng ibat ibang spell para lang matamaan siya pero walang nangyayare.
Hindi pwedeng magpaulit ulit ako ng ganito. Maraming enerhiya ang kinakailangan ko pag nagpatuloy pa ito.
Bigla naman siyang nagteleport at saka ako sinipa sa mukha. Tumilapon naman ako sa isang puno. Saka ako bumagsak at napaupo.
Lumapit naman siya saakin. Unti unti ko namang tinaas ang aking tingin.
"You dont stand a chance against me. Kaya siguro pinagpalit ka niya. Kase mas nakakalamang ako sayo. Admit it. You are weak!" Hindi. Hindi pwede. Kailangan ko pa siyang bawiin!
Isasaksak na sana niya ang espada niya sakin ng bigla akong sumigaw.
Kainis. Kailangan kon gamitin iyon!
"LUMIRNO!!" Sigaw ko at tinaas ang kamay ko. Bigla namang lumitaw duon ang espada kong kulay pute at napakatalas. Siya si Lumirno. Lumutang namana ko at Pagkatapos ay ang katawan ko naman ang lumiwanag. At ng mawala ang liwanag ay nakasuot na ako ng armor.
Naghalong grey at white ang suot kong armor na may mga desenyong kulay silver. Ang buhok ko naman ay bumalik sa date at ang kutis ko ay pumuti narin. Biglang may sibrang lakas na enerhiya akong naramdaman na dumadaloy sa aking buong katawan.
Tinignan ko naman siya at nakataas na ang dalawa niyang kilay.
"Psh. Show off" sabi niya at saka sumugod ule. Bumulong naman ako kumumpas gamit an isa kong kamay at bigla nalang siyang nadapa at nabitawan niya ang kaniyang espada. Nang tatauo naman siya ay kinumpas ko ang kamay ka na parang nakadagan sakaniya at di naman na siya nakatayo pa.
BINABASA MO ANG
The Legendary Princess
FantasyHighest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong but afraid. She's calm but reckless. She's quiet but smart. She's beautiful but deadly. Her name is C...
