15 She's back

29.4K 759 28
                                    

Cassandra's P.O.V

Ilang araw na rin ang nakalipas at unti unti ko nang natatanggap ang pagkawala ni tita. At ilang araw na rin ang lumipas pero hindi parin ako pumapasok sa mga klase ko. Ilang beses na akong kinulit ni Terrain na pumasok na daw ako kasi andami ko na daw na m-miss na lessons. Pero hindi ko siya pinapansin.

Di rin ako nagpapakita sa kanila. Palagi nalang ako nakakulong sa kwarto ko. Nagmumukmok. Ayokong kumain,ayokong kinakausap,ayokong iniistorbo at ayaw kong makita sila.

Ayokong makita sila dahil ayokong makita nila akong ganito. Yung matapang Cassandra umiiyak at napakahina pala.

Ayokong magbago ang tingin nila sa akin. Kaya tanging si Terrain lang ang nakakapasok sa kwarto ko. At palihim pa.

Palagi syang pumapasok sa kwarto ko tuwing gabi sa kadahilanang palagi daw akong umiiyak sa aking pagtulog. At dinadamayan niya rin ako.

Nakakainis lang na hanggang ngayon umiiyak parin ako dahil sa KANILA. Dahil sa panggagagong ginawa NILA sa akin. Nakakainis SILA! Mga walang hiya SILA. Pinagkatiwalaan ko SILA pero anong ginawa NILA ginago nila ako. Niloko at sinaktan lang NILA. Kaya ang hirap kong magtiwala sa iba. Kasi baka sa huli iwanan lang nila ako.

Katulad ng nangyari sa akin dati.........

Naputol naman ang aking pagiisip ng may kumatok saaking pinto.

"Cass......."sabi ng kumatok.

Si Maddie pala. Tinignan ko ang wall clock ko sa may taas ng pintuan ko at 5 am pa lang ng umaga. Bat gising na siya? Anong kailangan niya saakin?

"Cass..."ulit niya sa pagtawag ng  pangalan ko "alam kong ayaw mo pang kausapin kami.. pero kasi di ko na matiis na di ka kausapin eh. Sorry ha. Niistorbo kita. Ayoko lang kasing ganyan ka. Pumasok ka na ulit. Kausapin mo na kami ulit kasi miss na miss ka na namin. Miss na namin yung pagtataray mo. Lumabas ka na dyan please........ hihintayin kita.......hihintayin ka namin...." sabi niya at nakarinig ako ng mga yapak paalis.

Nang marinig ang mga katagang yon ay parang naalis ang lahat ng lungkot ko na nadarama. At napalitan ng saya. Umalis man si tita ay nandito naman ang mga bago kong kaibigan. At alam ko na mapagkakatiwalaan ko sila. Dahil sa simula palang ay palagi ng kwi ni kwento ni Terrain ang tungkol sa kanila. At masaya kong nakilala ko sila.

Umupo nalang ako sa kama ko at tumingin sa pintuan ko. Ilang minuti din akong ganun ng makarinig na ako ng mga ingay sa baba. Tanda na gising na sila. Pero di parin ako bumababa. Nag dadalawang isip parin kasi ako kung papasok na ba ako o hindi.

6:30 na at umalis na sila. Pero naka upo parin ako sa kama ko at nakatingin sa orasan.7:30 pa naman ang first period kaya ibig sabihin di pa sila nag aalmusal.

Tick tock......

Papasok pa ba ako?

Tick tock.......

Shit! Ano ba?!

Tick tock........

Im i going to school???

Tick----

Ugh!!! Fine! Im going to school! Tumayo na ako sa pag kakahiga ko at agad na naligo at nagbihis. Pag katapos kong mag suklay ng buhok ko ay hinayaan ko nalang itong naka lugay dahil palagi naman itong nakalugay.

Nang tignan ko ang oras sa wall clock ko ay 7:00 na pala. I still have 30 min before my class starts so i went to the canteen.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko na nag tatakbuhan ang iba papunta sa canteen. Para silang nagkakagulo. Nang makita nila ako ay bigla nalang silang nag give way sa akin kahit nagkakagulo na sila sa pagpunta sa canteen. Kaya nagtaka na ako.

The  Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon