So ayun nga ahahaha😂😂😂 eto na po yung update hihihi😂 pagpasensyahan niyo na po ah? Sabog po kase utak ko ngayon. Lutang na lutang.😂😂😁 sana po magustuhan niyo kahit papano yieee love lotsss😍💕💕💕💕
================
Cassandra's P.O.V
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay naghahanda na kami para sa pagatake na mangyayare bukas. Masakit man para saken ang posibilidad na bukas makakalaban namin si Catastrophy ngunit hinahanda ko na ang sarili ko sa kahihinatnan ng laban na yun. Kung makukuha ba namin siya o tuluyan na siyangpaoanig sa mali.
Maraming pwedeng mangyare bukas. Katulad ng may mamatay saamin. Sa pamilya namin. Sa mga taong mahalaga saamin. Pero kailangan ng tanggapin na baka mangyare eto. Manalo man o matalo kailangan lumaban kami. Hindi kami pwedeng matalo. Di ko yata matatanggap na iwan ang lahat ng ito sa kadiliman. Ayuko. At hindi pwede.
Napabuntong hininga naman ako. Tinitigan ko ang imahe ko sa salamin.
Paniguradong pagkatapos ng araw na ito ay magiging abala na kami. Una ay sa pagplaplano ng dapat gawin at sa pag proprotekta sa lahat. At syempre sa pakikipag laban. Hindi dapat makampante.
Sinuklay ko naman ang buhok ko at inayos na ang sarili ko at ng masiguro ko na maayos na talaga ay bumaba na ako para kumain ng hapunan.
Napabuntong hininga namana ako ng maabutan ko ang lahat na nakaupo na at nagsisimula ng kumain.
'Eto na ang huling gabe na matiwasay kaming kakain.... For now'
Umupo naman na ako sa gitna ni Terrain at Jayce at nagsimula ng kumain. Tahimik lang ang lahat at mukhang walang sino man ang gustong umimik.
Napatingin naman ako kay Gray. Mas walang emotion ang mukha niya ngayon kaisa sa mga nagdaang araw. At ang kaniyang mga mata naman ay mas malungkot. Namumutla narin siya dahil di siya masyadong nagkakaroon ng pahinga. Hindi kase siya makatulog at palagi nalang nag t-training... Pursegido talaga siya...
Itinuon ko naman ang atensyon ko sa kinakain ko. At kumain nalang kahit na alam kong malapit na akong mawalan ng gana...
Masyadong tahimik.....
"Guys ano ba bat walang umiimik?!" Malakas na puna ni Terrain..
Jusko.
"Come on guys kahit ngayon lang maging masaya tayo..." sabi ni liana at ngumiti "Magkwento kayo ng masasayang mga bagay! Wag tayong magpakaemo oh! Tapos kumain kayo marami sayang pagkain."
Natawa naman kami. Nahawaan na ni Terrain ng pagkacheerful si Liana.
Nabuhay naman ang lahat at nagkwenro sila ng mga bagay na nangyare date. Isa na dun ang pagbabangayan palagi ni Liana at Terrain. Ang pagkainis ni Maddie kay Ian dahil masyado daw ang bakod sakaniya date. At ang pagkakainlove nila Maddie at Aidan sa isat isa....
Nakinig naman ako at nakikitawa din minsan pero di ko masundan ang nga sinasabi nila. Masyado na yatang okyupado ang isip ko.
May nakakuha naman ang atensyon ko. Hindi siya umiimik di rin siya tumatawa at di rin siya kumakain ng marami. Wala na rin ang sigla ng kaniyang mga mata. At yung buhok niya nag f-fade na ang kulay. Palagi nalang siyang ganyan. Simula ng araw na yun ganyan na siya..
Pagtapos naming kumain ay pumunta kami sa rooftop at nagpalamig muna bago matulog.
Nilapitan naman ako ni Jayce. Trinay niyang makipag isap saken at kunin ang atensyo ko pero wala talaga eh. Nasa kaniya parin ang atensyon ko. Sa mga kamay niyang nakahawak sa kamay ng kaniyang kasintahan. Ang ulo niyang nakaharap sa buwan at sa mga malulungkot niyang mata. Nagaalala na talaga ako sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Legendary Princess
FantasyHighest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong but afraid. She's calm but reckless. She's quiet but smart. She's beautiful but deadly. Her name is C...