Maddie's P.O.V
"G-guys g-gising na siya" utal na sabi ni Cassidy at napatingin nalang kami sa lalaking nakaupo sa upuan at ngayon ay kinukusot kusot ang mata niya......
Nang makita na niya kami nang malinaw ay nanlaki ang mata niya.
Bigla namang tumakbo si Ian sakanya at inilabas ang wand niya. Next thing i know ay nakatali na yung prinsepe at ngayon ay di na siya makagalaw.
Lumapit naman sakamya ang reyna at kumuha naman ang hari nang upuan para sakanilang dalawa.
Lumapit naman kami dun sa prinsepe
Nakatulala naman siya saamin.
"N-nananaginip b-ba a-ako?"nauutal niyang tanong habang nakatingin sa hari at reyna.
Sinampal naman siya ni liana.
"Aray!"sabi niya.
"Ngayon alam mo na na hindi ka nananaginip"sabi ni Lia at nagbantay ulit siya kay Terrain.
"So ibig sabihin malaya na ako?!"sabi nang prinsepe at timawa siya at napangiti .
Ang weiiiiiirrdddd niyaaaaa
"Tss. Ano bang sinasabi mo ang weird mo"sabi ko
"Hindi ba at kayo ang tito at tita ko? Yung hari at reyna nang kaharian nang liwanag?"tanong niya nag s-sparkle naman ang mga mata niya.
"You mean majestique kingdom?" Sabi ni Aidan
"Ah oo yun nga" sabi niya at ngumiti
"Ok. Pwedeng tumahimik ka muna. Magtatanong muna kami sayo." Sabi ni tito Samuel.
Nanahimik naman siya
"Sino ka?"tanong ni tita eli.
"Ako ang prinsepe nang underworld."simple niyang sagot.
"Pero walang anak na Lalake ang reyna nang underworld"nagtatakang sabi ni Cassidy.
Napatango namna kaming lahat pati sila tita.
Bigla naman siyang napayuko at parang maiiyak siya.
"Hindi niyo talaga alam dahil itinago nila ako."sabi niya at tumingala para makita kami. May namumuong mga luha sa kanyang mga mata."bata palang ako ay pinipilit na akong pumatay nang mga hayop sa kagubatan ang aking mga ate at ni ina. Pero hindi ko magawa dahin naawa ako sakanila. Hindi ko magawang gumawa nang masama sa iba kaya nang sumapit ang ika-7 na kaarawan ko pinili nilang itago ako. At hindi sabihin sa iba na may anak ang reyna nang underworld na lalake. Itinago nila ako sa isang kulungan sa pinaka ibaba nang underworld at dun ako sinasanay nang aking mga ate at ni ina. Pero pinapahirapan na ako oag may nagawa akong kahit isang mali man lang sa pinapagawa nila saakin. Hindi rin ako nakakalabas. At wala din akong kaibigan. Buong buhay ko nanduon lang ako sa kulungan na iyon. Akala ko di na ako makakaalis duon pero isang araw pumunta sa kulungan ko si ina at ibinigay niya saakin ang isang puting pakpak. Nang kinuha ko naman yun ay sumabit iyon sa aking kwintas. At duon nakaisip ako nang paraan para makatakas. Tinakot ko ang mga gwardia na nagbabantay saakin na pag di nila ako pinalabas ay magagalit si ina dahil gusto niyang ibigay ko sakanya mismo ang pakpak dahil gagamitin niya ito at pinatago lang niya ito saakin pansamantala. Natakot naman sila. At duon nakalabas na ako at inilabas ko ang pakpak ko para makalayo na ako. Pero nang lumapag ako para pasukin ang gubat dahil gusto kong maglibot libot muna ay nakita ako nang mga guwardiya ni ina at hinabol ako. Nakipaglaban ako sakanila tapos nawalan ako nang malay."sabi niya.
Tinignan naman siya ni Jayce na parang nagdududa ganon din ang ginawa ni Aidan.
"Nagsasabi siya nang totoo"sabi ni Ian.
BINABASA MO ANG
The Legendary Princess
FantasyHighest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong but afraid. She's calm but reckless. She's quiet but smart. She's beautiful but deadly. Her name is C...