Cassandra's P.O.V
Madilim.
Napakadilim.
Wala akong makita kundi kadiliman.
"Terrain?"
"Maddie?"
"Jayce? Nasaan na kayo?"
Paulit-ulit ko silang tinawag pero wala. Walang sumasagot..... Na saan na sila?
Sinubukan kong gumawa ng ice fire pero wala. Di gumagana ang kapangyarihan ko dito..
Bakit ganon??? Na saan ako??
Bigla akong may naaninag na isang butterfly na umiilaw.
Lumilipad iyon palapit sa akin. Kaya sinalubong ko ito. Nang makalapit na ito ay pinaikutan niya ako at lumipad sa isang direksyon. Di ko alam pero pakiramdam ko may gusto siyang ipakita sa akin kaya sumunod ako sa kanya.
Habang sumusunod ako sa kanya ay nakakita ako ng isang lagusan na nababalutan ng ilaw. Tinakpan ko ng bahagya ang aking mga mata para makakita ako ng malinaw.
Nang tuluyan na kaming makalabas ay tumambad sa akin ang isang napaka gandang hardin.
Napakaganda nito. Parang isang paraiso.
Inikot ko ang aking mga mata sa buong palagid at ako ay sobrang namangha.
"Isa talaga itong paraiso. Pero hindi ko gugustuhing dito ka na manatili habang buhay Sandra." Pabirong sabi ng isang di ko inaakalang tao.
Pagkaharap ko sa aking kanan ay nakita ko ang isang taong inaakala kong patay na.
Niyakap ko agad siya at humagulgol.
"Ano ba Sandra...... Madudumihan na ang aking damit..."pabirong sabi niya.
Lalo akong humagulgol. Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit. Namiss ko siya...
"Tita........"tawag ko sakanya. Natawa siya ng bahagya.
Akala ko ba patay na siya? Akala ko ba iniwan na niya ako? Akala ko ba wala na siya?
We stood there for a moment. Walang sinuman sa amin ang nag tangkang mag salita. Tanging ang paghagulgol ko lang ang aking narririnig.
God! I thought I was gonna lose her. I was so scared. I was so worried.
Nang alisin ko ang aking pagkakayakap sa kanya ay ngumiti siya at pinunasan ang aking mga luha.
"Shhhhhh... Wag ka nang umiyak Sandra..." pagpapatahan niya saakin.
Tumango naman ako sa kanya at pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
"Tita. Akala ko ba patay ka na?" Tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng aking mga luha.
Tumuwid siya ng tayo at iginaya niya ako sa isang bench na nakalagay sa harap ng isang lake.
"Maupo muna tayo" sabi niya"mukhang mapapahaba yata ang explenasyon ko sayo ha"natatawa nyang sambit.
Nang nakaupo na kami ay tinadtad ko agad siya ng tanong.
"Bakit nandito ka tita? Bat nandito ako? Anong lugar to? Bakit nakita po kitang patay kahapon? Bat buhay ka pa?"sunod sunod kong tanong.
"Hahahaha. Isa isa lang Sandra"sagot niya
Ngumuso naman ako sa kanya at nginisian niya lang ako. Ito talagang si tita! Parang bata! Pero sabagay bata pa naman talaga siya..
BINABASA MO ANG
The Legendary Princess
FantasyHighest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong but afraid. She's calm but reckless. She's quiet but smart. She's beautiful but deadly. Her name is C...
