Cassandra's P.O.V
"You ready?" Tanong ni Jayce na nakatayo sa pintuan ko. Nakaharap ako ngayon sa salamin at nagsusuklay. Ngayon ang araw ng pagbabalik nung apat. At ngayon din darating yung mga magt-train sa ibang students dito sa Academy.
Tinanguan ko naman siya at nag senyas na mauna na siya at susunod na ako.
Alasingko palang ng umaga pero ready na kaming lahat. Kailangan kasi namin sila sunduin ng wala pang mga estudyante sa labas. Paniguradong pagod sila ngayon dahil sa training kahapon...
Tumayo na ako at tinignan ang itsura ko sa salamin. Basa pa ang buhok ko naka jeans lang ako at tshirt saka naka convers na shoes... lumabas na ako at bumaba. Lahat naman sila ay ready na kaya bumaba na kami at pumunta sa main gate kung saan darating ang iba....
"Hey... You ok?"tanong sakin ni Jayce.
Tinanguan ko naman siya. Hindi ako masyadong nagsasalita nitong mga nakaraang araw kasi masyadong napupuno ng mga bagay ang aking isip.
Napansin ko naman ang pananahimik ni Gray na nasa likod ni Jayce na nakatingin lang sa baba at mukhang lumilipad nanaman ang isip.
Naawa ako kay Gray..Marami ng nangyari sa buhay niya at ngayong nagiging masaya na siya ay saka pa nawala ang taong pinagmumulan ng saya niya.
"I know what youre thinking. Naawa ka kay Gray noh?"sabi ni Jayce na nakapagpatuon ng atensyon ko sakanya. He really knows me..
"Dont worry too much Icea. Alam kong malakas si Gray. At alam ko ding sooner or later babalik din si Catastrophy saatin.."sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya yun at ngumiti saken. I dont know why pero gumaan bigla ang loob ko. At parang na assure ako dahil sa sinabi niya...
"Guys andito na sila !" Sabi ni Airess at tumakbo papunta sa harap namin kung nasan si kuya jordan. Nagtinginan naman silang dalawa at tumingin sa harap ng sabay.
Nasa harap namin ang isang sasakyan na kulay black.
Huminto ito sa harap namin at lumabas si Ian, Cassidy, Maddie, Aidan sa loob nun.
Napatakbo naman si Liana papunta sa kanila at sumunod si Airess. Hinug naman sila nila Cassidy. Binitbiy naman nung mga kasama nila na parang body guards yung gamit nila. Ng makalapit sila samin ay hinug namin sila.
Nung lumapit ako kay Cassidy ay napaiyak ako... Umiyak din naman siya..
"Babalik naman siya diba? Hindi naman niya sinadya yung ginawa niya diba?"sabi niya saken at inalis ang pagkakayakap habang umiiyak parin. Tinanguan ko naman siya. Hindi ganon kalakas ang emosyon ni Cassidy. Alam kong nagaalala din siya kay Catastrophy. At gusto niyang paniwalaan na hindi niya talaga sinadya yung ginawa niya. Lumapit naman sakanya si Aidan at pinisil ang kamay niya. Nginitian ko naman sila kahit na alam kong bakas parin duon ang lungkot.
Catastrophy.... Bumalik ka..
Lumapit naman ako kay Aidan at Hinug ko naman si Maddie at pati narin si Aidan.
"Hays! Bakit ba ang aga natin byumahe noh?! Nakakainis dapat nag pahinga muna kayo! Masyado maaga!"sabi niya at tinignan si Aidan at nagpout. Napatawa naman si Aidan sakanya.
"Ang cute niyo."sabi ko at pinunasan ang unting luha na nasa pisnge ko dahil sa pagiyak kanina. Nag blush naman si Maddie.
"Kumusta sugat mo Aidan?"tanong ko at nginitian siya.
"Ok naman. Magaling kasi ng tagapagalaga ko eh."sabi niya at tumingin kay Maddie "maingay nga lang."
Nagtawanan naman kami ni Aidan habang naka pout si maddie.Nagiging mas masayahin na si Aidan. At mas mahiyain naman si Maddie.

BINABASA MO ANG
The Legendary Princess
FantasyHighest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong but afraid. She's calm but reckless. She's quiet but smart. She's beautiful but deadly. Her name is C...