Chapter 4

1.3K 58 14
                                    

(Ella)

"Ano ba payong?! Ibibitin kita!" Sigaw ni Panini mula sa labas ng kotse. Narito na kami sa subway. 30 minutes na lang dadating na ang tren na sasakyan namin.

"Lumabas ka na dyan." Pilit nyang binabasag ang bintana sa tabi ko. Para namang mababasag nya.

"Ayoko"

Matapos ko kasing makita si Maricris na kasama nila, umurong na ako. Ayaw ko na sumama. Tinutulak tulak ko nga yung driver ko na bumalik na kami sa bahay pero hindi nya magawa kasi nakaharang sa unahan ng kotse. Nakaupo sa kotse yung Gray at Coreen, pati si Vien masamang nakatingin sa kin. Parang sinasabi nya, lumabas na ako ng kotse.

"Bakit ba hindi mo sinabi na kasama pala yang Melissa na yan!" Sigaw ko kay Panini.

"So? Akala ko ba nakapag move on ka na? Kasi ang alam ko kapag ang tao nakapag move on na sa kanyang ex, kaya na nyang harapin" humugot ka pa talaga Panini.

"Syempre may awkwardness din yon!" Defends ko.

"Awkwardness mo mukha mo! Labas dyan! Babasagin ko talaga to pati mukha mo at ng driver mo!"

"Ayoko! Ako bida dito sa kwento na to!"

"Mawawala ang kwento na to kapag hindi ka pa lumabas dyan"

Napaisip ako sa sinabi nya. Kapag nawala ang kwentong to....SHOCKS! Hindi ko na mamemeet ang Jems Red na buhay ko! Oh baka naman Naydin Luster ang mameet ko? Oh no! Ayaw kong mawala ang story ko!

"Ito na lalabas na ako" pag susurender ko. Ayaw ko naman mawala ang kwentong to, lalo na ang pinsan ko. Duh! Kasali rin kaya sya dito, singit nga lang. Kung hindi ko sya kapartner sa business walang singit na Panini sa story ko. Di ba?!

"Hoy, payong kahit hindi tayo magkapartner sa business kasama pa rin ako sa kwentong to. Pinsan mo ko" mataray nyang sabi.

"Hindi ka ba nahihiya sa anak mo? Rinig na rinig ang sinasabi mo" irap ko.

"Englishero ang mga anak ko"

O e di englishero! Kapag nagkaanak ako, mandarin ang ituturo ko o kaya nihonggo para hindi makausap yang si Panini. Baka kung ano pa ituro ng bwiset na pinsan ko sa magiging anak ko.

Dumating na ang tren, tinulak pa ako ni Panini makapasok lang ng tren. Papasok naman ako sa loob, napakamasyadong ewan nitong si Panini.

"Pinahirapan mo ko. Dito ka umupo sa tabi" inis nyang sabi tapos tinuro ang empty space.

Umupo ako pero gusto ko na yata ulit tumayo ng may tumabi saking warka.

"You don't have to stand Ella. I'll go find seat far away from you" sabi nya nang mapansin nya na gusto kong tumayo at mag hanap ng ibang uupuan.

Parang nafeel ko ang sakit na naramdaman nya. Nasaktan ko yata sya?

Eh ikaw ba naman kasi, akala mo naman may ketong ang katabi mo.

Konsensya ka talaga kahit kailan. Ito na nga oh pipigilan ko na syang tumayo.

"H-Hindi na. Dito ka na lang umupo sa tabi ko" saad ko kay Maricris. Ngunit napapikit na lang ako nang maramdaman ko na mali yata ang nadampian ng palad ko.

Uh oh wrong move.

Kitang kita ko lumapad ang ngiti nya habang nakatingin sa kamay ko. Sa may kaliwang dibdib nya lang naman dumampi itong manyak kong kamay, imbes na sa braso nya lang.

"Kaya siguro gusto mo ko katabi eh" insulto nya.

"Hoy, feelingera ka. Hindi ko sinasadya yon" irap ko. Dapat pala hindi ko na lang sya pinigilan. Nakakabwiset. Tumatawa pa ang bruha. Halos pumula ang mukha dahil sa kakatawa.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon