(Ella)"YOU ARE OUT OF YOUR MIND!" Dagundong na ang boses ni Dad sa loob ng conference room. Naiwan kaming dalawa dito matapos ang meeting. Nasa likuran nya si Beth na secretary ni Dad at si Jen na secretary ko.
Parehas silang nakatungo dahil pinapagalitan din sila ni Dad. Nalaman nya kasing kasabwat ako sa pangyayari kay James sa Pinas. Yung time na binugbog sya ni Sarah. At nalaman nya din na may plano ako against James.
"Umuwi ka sa Pilipinas para lang gawin yon? Ang gantihan si Mr. Lee? Hindi mo ba alam na kaibigan ko ang ama nya?!" Sigaw pa ni Dad.
Nalaman ni Dad kay Beth dahil sa napanood nitong balita sa CNN. Nilabas sa balita ang feslak namin nina Gwen. Na involve kami sa pang lalabas ng video ni James. Ako tuloy ang laman ng balita sa buong City ng New York. Kung pagkukumparahin sa Positive at Negative. Mas lamang ang positive dahil marunong mag linis si Gwen ng pangalan.
"Ginawa ko lang ang tama Dad." Tipid kong sagot kay Dad. Umiling sya at hinilamos ang palad sa mukha nya.
"No, Ella. That wasn't right." Nag titimpi nyang sabi. "It was right! Hindi mo kasi alam kung---"
"No it wasn't! Hindi mo ba ginamit ang utak mo! Tingnan mo ngayon, laman ka ng Daily News, ng Polygram at ng SNN! I trusted you to run a media empire pero anong ginawa mo? Binabahidan mo ng katarantaduhan mo!"sigaw ni Dad.
Iniwas ko ang aking mga mata sa mga mata nyang mapanghusga. Nalaman nya lang ang plano ngayon galit na galita na sya. I know, huli na kami para sampahan ng kaso si James for raping Maricris. Pero hindi pa huli para ibagsak si James at ang baho ng pamilya nya.
"Now, ano na lang ang ihaharap kong mukha sa kanila?"
Mukha pa din. Hello! Hindi naman sya mawawalan ng fes. Unless takpan ni Dad ang mukha nya ng maskara. Hahaha! O di ang kaharap ni Mr. Lee ay maskara.
"Ella!" Biglang sigaw ni Dad. "Y-Yes, Dad" nauutal kong sagot. Ang tanga lang eh, kung ano anong iniisip ko. Pinapagalitan na nga ako, nakukuha ko pang magloko sa isip ko.
"Nakikinig ka ba?" Tanong nya.
"Yes Dad" mabilis kong sagot. Sinipat nya ang dalawang babae sa likuran ko. Iiling iling sya bago muling nag salita.
"Now, tell me what reasons... What good reasons for me to believe that Lee is a criminal." Sabi ni dagdag.
Ayaw ko ng pag-usapan ang main reason na yon. Sa tuwing iniisip ko yon, gustong gusto kong ilublob sa drum na punong puno ng putik ang James Lee na yon. Sya ang may kasalanan kung bakit nagkandasira sira ang buhay ni Maricris sa loob ng showbiz. Isama na pati si Arianna na halos mawala ng limang taon nang dahil din sa mga Lee.
Tumayo ako. Halos magkapantay na kami ni Dad kapag nakatayo ako...pag may heels. Kaya nga lagi akong nakaheels eh, para hindi ako mag mukhang pandak.
"I don't want to talk about it" mahina at walang emosyon kong sagot. "Let's just accept the fact that because of him, your daughter has changed." Matigas kong sabi.
Tinitigan ako ng Daddy. Madilim ang paningin nya habang nasa direksyon ko.
Simula ng dumating muli ako dito, hindi kami gaanong nag usap ni Dad. Kasama ko din si Avary na medyo broken hearted dahil kay Arianna. Sumama sya sa akin ng mga panahon na kailangan nyang lumayo. Mayroon naman daw syang pinsan na nakatira dito sa New York, NY kaya pwede don sya mag-i-istay.
Napag-usapan namin ang nangyari kay James bago kami umalis ng Pinas. Pinagplanuhan na ng mga kaibigan ni Gwen ang pwedeng gawin sa mga Lee. Kasangga din namin ang malaking gangster group nila Avary na mula pa Korea.

BINABASA MO ANG
Inlove Again
HumorIto ay kwento ng pagkamatay ng pag-ibig ni Payong, char! Jk lang. Kung gusto nyo malaman ang kwento ng mahal nating si Payong, ehem, basahin nyo na lang. Ang kwentong ito ay GxG. Kung hindi ka nag babasa ng ganitong genre, malaya kang makakahanap ng...