(Ella)
"Pst! Ano ba!" Inis kong sigaw kay Vince. "Tutulungan mo ba ako oh hindi?!" Nanlalaki ang mga mata ko habang sinasabi yon.
"4 days lang itatagal mo sa Pilipinas, Panini ha! Este Payong! Naku, siguraduhin mo lang itutuloy mo to! Absent tuloy ako sa trabaho ko!" Nag ngitngit na sabi ni Vince.
"Babayadan kita" sabi ko.
"So, may bayad na pala ngayon ang absent?" Taas kilay nyang tanong habang nakasandal sa kotse ko.
"Bakit wala bang bayad kapag nag absent?" Tanong ko. Isa na namang irap ang ginawad nya sa akin. Konting konti na lang mapagkakamalan ko talagang bakla to.
"Wala! Hello! Ikaw ang amo ko! Napakakuripot mong yan." Sigaw nya. Ay wala ba. Hehehe! Kala ko meron.
"O sya, ganito, sa oras na dumating ako dito siguraduhin mong okay na lahat. Kailangan ayos, at kailangan kompleto tayo" Sabi ko kay Vince. Nag thumbs up sya sabay kindat.
"No problem pinsan. Para sa'yo. Ayos na!" Sabi nya. " O sige na! Sumakay ka na!" Utos nya kaya sumakay ako.
Sana lang wag mabulilyaso ang gagawin ko. Basta galingan lang ni Vince ang pagconvince sa Dad ko. Last time namin pag-uusap hindi agree si Dad na pakasalan ko agad si Maricris. Gusto nya, uuwi muna sya ng Pilipinas at kakausapin ng personal ang mga magulang ni Maricris ukol sa ideya ng kasal. Pero syempre may iba pa akong goal kaya pupunta muna ako ng Pilipinas.
(Flashback)
Nag tawag ako kay Beth na inform nya si Dad na kailangan kaming mag-usap in private. Sinabi naman sa akin ni Beth na naroon si Dad sa opisina nya.
This is my chance.
Bandang alas dose ng tanghali, nag punta ako sa opisina ni Dad. Naroon si Beth na abala sa kanyang paper works.
"CEO" pukaw ko sa atensyon nila. Abala sila sa works nila. "Ella, come in. What is it?" Tanong ni Dad. Nilapag nya sa table ang ballpen nya.
"Like I said, I wanted to talk to you in private." Sagot ko. Nag nod sya at tumingin kay Beth. "Beth" tawag nya kay Beth.
"Yes CEO?" Tanong naman ni Beth.
"Leave us for a minute." Utos ni Dad. Nag nod si Beth at lumabas ng opisina. Umupo ako sa upuan sa harapan ng mesa ni Dad.
"What about it Ella? Bakit parang urgent tong pag-uusap natin?" Tanong ni Dad. Dinukot ko mula sa bulsa ko ang isang singsing at pinatong sa table. Kunot noo pa itong tinitigan ni Dad bago ako binigyan ng nag tatanong na ekspresyon.
"Magp-propose ako kay Maricris. And the day ako nag propose, pakakasalan ko din sya." I explained.
"Ano to Carmina & Zoren lang?" Natatawang sabi ni Dad. "I guess? But, I'm here for your blessing Dad. Ayoko maglakad sa altar ng walang ama sa tabi ko." Saad ko.
"No" dalawang letra ang nakapag pabingi sa akin
Ano daw?
"Bakit? Bakit kailangan mong magpakasal agad ng wala pang blessing ng magulang ni Maricris?" Tanong ni Dad.
"Kakausapin ko sila. Uuwi ako ng Pilipinas." Sagot ko.
"Sasama ako" tatayo sana sya pero hinila ko sya pabalik sa kanyang upo.
"No. Ako makikipag-usap sa kanila Dad. Just leave it to me. Sina Mame hindi nila ito alam at gusto ko ikaw ang mag sabi sa kanila, while I'm doing other business in the Philippines" I stated. He look at me.
BINABASA MO ANG
Inlove Again
UmorIto ay kwento ng pagkamatay ng pag-ibig ni Payong, char! Jk lang. Kung gusto nyo malaman ang kwento ng mahal nating si Payong, ehem, basahin nyo na lang. Ang kwentong ito ay GxG. Kung hindi ka nag babasa ng ganitong genre, malaya kang makakahanap ng...