Chapter 22

1K 44 4
                                    

A/N: You guys might notice I fast forward 'a bit' the story. Well, I kinda wanted to finish it soon. As you can see I barely update. I'm sorry.

So, this will end soon. Thanks for reading my stories. I love you all!

. . .

(Maricris)

Kasabay ng pagpapauli uli nya ay ang pagsunod ng mata ko sa kanya. "T-Teka nga sandali, saglit Avary..." pigil ko sa manager ko. Kanina pa syang pauli uli sa harapan ko eh nahihilo na ako.

Kadarating lang nya galing sa Korea dahil may kailangan lang daw syang i-settled don.

Tapos ngayon dumating sya at gusto na muling bumalik. Yung totoo? Dahil ayaw ko na ulit syang umalis. Kasi sa lahat ng naging manager ko sya lang yata yung parang kabarkada turing ko. Dahil yung nag handle sa amin na si Ms. Coreen, ang higpit. Well, strikta sya tumingin halos lahat yata ng makikita nya na tatalo sa mga hawak nyang actresess/actor ay pinaniningkitan nya ng mata at tinataasan ng kilay. Gayunpaman, iisang tao lang ang nagpapalambot sa kanya, si Gray.

Mabait naman si Ms. Coreen eh, kaso nga lang aura at personality nya nakakakaba.

Isang malakas na sigaw ang nakapagpabalik sa akin.

"Aissh!!" Sigaw ni Avary sa phone nya. Pati tuloy laway nya tumalsik sa screen. Sino na naman kausap nya? 😑 Galit na naman sya. Tumayo ako para iwan sya, mag dudugo na naman ilong ko kung sakaling makinig ako sa pakikipag usap nya sa mga Koreano.

Tumunog ang whatsapp ko, nag chat si Ella. Kausapin nya daw ako via vc.

Umupo ako sa swivel chair. Pag connect palang at nakita ko sya hindi ko na nagustuhan ang nakita ko. Katabi nya si Jessica.

Pero lalong kumunot ang noo ko ng mapansin ang background nya. Familiar sakin ang painting sa likuran ni Ella. I just can't remember where I saw it.

Pokerface akong tumingin kay Ella. "Bakit nariyan na naman yan?" Walang amor kong tanong sabay sulyap kay Jessica na busy sa pagbabasa ng magazine.

Sumulyap sya kay Jessica na nasa bandang kaliwa nya. "Ah kasi kakausapin sya ni Dad about sa photoshoot." Sagot nya.

Umirap lang ako. "Siguraduhin mo lang. Ayaw kong nakikita kang may nag lalapit sayong babae dyan" saad ko. Hindi ko talaga mapigilan na huwag mag selos. Paano ba naman kasi lahat na lang ng lumalapit sa kanya model compare naman sakin na isang aktres lang o singer. Ang tatangkad pa nang mga modelong yon. Eh ako? 5'6 lang.

"Are you comparing yourself with them again?" Biglang pukaw ni Ella. Seryoso syang nakatingin sa akin.

"Alam mo Maricris kahit anong gawin mo ng pagkukumpara walang magbabago sa pag tingin ko sayo sa pagtingin ko sa kanila. Para sa kanila isa sila sa mga naging kaibigan ko dito sa New, York. Hanggang don lang. Kahit ganon kadaming babae ang nasa harapan ko ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Ikaw ang mahal ko" sincere na sabi nya.

Gusto kong sumigaw na kinikilig ako pero pinigilan ko. "May ginawa ka na naman bang kasalanan? Ang sweet mo" irap ko. Natawa sya. Hindi nawawala sa mga mata nya ang pagkasincere na kanina pang nakaukit don.

"Trust me Maricris. Yan lang hinihiling ko sayo. Trust" mahinang sabi nya.

May tiwala naman ako sa kanya. Pero yung mga kasama nya lang dyan, ako walang tiwala. Liberated ang nakasanayan nilang lifestyle ang gusto nila, gusto nila.

Mag sasalita pa sana ako pero narinig ko ang sigaw ni Avary mula sa labas.

"Saglit lang Ella" sabi ko. Tumango lang sya at ngumiti.

Tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan ni Avary.

"Avary ano na naman bang pinaglalaban mo?" Biro ko habang nag lalakad patungo sa kabilang sala. Ang ingay ingay nya.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon