(Ella)"Nice... Okay another one" Puri ng photographer kay Maricris.
Narito na kami sa 5th floor ng building at kanina pa syang pinipictyuran. Wala naman dapat ako dito eh, pero sinabihan ako ni Beth na kailangan ko daw tingnan ang shots ni Maricris dahil isa ako sa mga pipili ng magandang cover nila para sa magazine. At kapag pangit napili ko, lagot ako kay Daddy.
Dalawang araw matapos kami dumating mula sa New Haven. At hanggang ngayon, may pangyayari pa din akong hindi makalimutan. Yung inamin sakin ni Maricris. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi nya. As in.
Noon, tatlong linggo bago ang 5th anniversary namin, nasa club daw sya. Kasama ang mga kapwa artista nya. Yun yung gabi na hindi sya nag paalam sa akin na umalis sya at nag punta sa sayahan. Nagalit ako sa kanya ng makita ko ang picture nya sa instagram kasama ang dating nalink sa kanyang actor na si Gerald Obersan. Ang sweet nga nila sa picture na para bang ang single ng dating ni Maricris dahil sa caption nya. Nasaktan ako non, pero hinayaan ko kasi alam kong gusto lang ni Maricris na pangalagaan ang image nya kaya hindi nya ako maipagmalaki.
Nalasing sya ng gabing yon, hindi ko nga alam kung nasaan sya that night. Hindi sya umuuwi o kaya nagtetext man lang na 'Ella dito ako nakitulog kayna Issa'. Ni ha ni ho wala akong natanggap.
At noong gabing yon may nangyari pala sa kanya. Sa sobrang kalasingan nya, may isang kilalang politician ang nagdala sa hotel at doon sya tinake advantage. Ayaw naman nyang sabihin kung sinong politician yon dahil makapangyarihan.
Ang tanong anong koneksyon sa paghihiwalay namin? Bakit hindi nya sinabi sakin? Bakit ganon na lang sa kanyang kadali na sabihin sa kin noon na ayaw na nya sakin?
Pero mas lalo akong nagulat sa mga sinabi pa nya.
(Flashback)
Narito pa rin kami sa may balcony ng apartment ni Anj. Nakatingin lang ako sa mga mata ni Maricris.
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya makatingin sakin nang maayos.
"Natatakot ako na pandirihan mo. Natatakot ako ng mga gabing yon. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo. Wala akong choice kaya ko ginawa na lisanin ka, hiwalayan ka" saad nya.
Naawa ako sa kanya dahil alam ko na napakahirap ng mga pinagdaanan nya bago nya malagpasan ang lahat ng kababalaghang nangyari sa kanya.
"Sa tingin mo ba hindi kita dadamayan? Handa akong makinig sayo, sa mga problema mo. Pero sinarili mo lang" sabi ko sa kanya.
"Alam ko gagawin mo yon. Pero..." Nag sisimula ng tumulo ang mga luha nya.
"Natatakot ako Ella. Sinubukan ko syang kausapin. I even warned him namag sasampa ako ng kaso pero pinagbantaan nila ako na may masasaktan sa ating dalawa o kaya sa pamilya ko. Natatakot ako ng dahil sa kapabayaan ko madamay ka. At ayaw kong mangyari yon kaya sinarili ko na" paliwanag.
"M-Maricris" naawa kong sambit sa pangalan nya.
Hindi naman ganon kadali ang mag suffer mula sa mga pangyayaring yon. Ano yon sasabihin mo na lang na 'Na rape ako, pero wala lang yon' hindi ganon yon. Napakahirap bago mag move on sa ganoong sitwasyon.
"Ilang beses kong pinipilit ang sarili ko na sabihin sayo ang totoo pero inuuna ako ng kaba at takot." humahaguhol na sya. Hinawakan ko ang braso nya.
"Kailangan kitang hiwalayan non dahil ginipit nya ako. Ginipit nya ako na ilaladlad nya na may nangyari sa amin. Ipagkakalat nya ang mga litratong nasa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Binayaran nya rin ang manager ko para kumbinsihin ako na hiwalayan ka. Hanggang sa ginawa ko. At binalita nya sa programa na magkarelasyon kami. Wala akong magawa, mahina ako. At kapag hindi ako pumayag, buhay mo ang kapalit"

BINABASA MO ANG
Inlove Again
HumorIto ay kwento ng pagkamatay ng pag-ibig ni Payong, char! Jk lang. Kung gusto nyo malaman ang kwento ng mahal nating si Payong, ehem, basahin nyo na lang. Ang kwentong ito ay GxG. Kung hindi ka nag babasa ng ganitong genre, malaya kang makakahanap ng...