(Ella)
"Aray ano ba!" Daing ko matapos diinan ni Maricris ang bulak na may alcohol sa pisngi ko.
"Kailan ka pa naging basagulera ha, loves? Ngayong CEO ka na?!" Sarkastiko nyang turan bago diniinan pa ng husto ang bulak.
Pashnea! Ang sakit ng ginagawa nya!
"Kung hindi ba naman kasi nag pakita yang James Lee na yan! Walang gulong mangyayari sa bahay natin este bahay mo Lov-Maricris." Katwiran ko.
Inis akong umirap sa kanya ganon din kina Raegan, Claire, at Anj ng makita silang palihim na ngingiti ngiti.
Sa surpresa kasi ni Maricris kanina sa loob ng bahay, nagulat talaga ako dahil may isang batang lalaki na nakaupo at winawagayway ang kamay habang nakangiti sa akin. May dumi sa mukha habang hawak ang tinapay
Si Kolen. Ang bata na aampunin sana namin sa Children's Home sa U.K, noong na punta sina Panini at sumama kami. Nakita namin si Kolen. 1 and a half year old na sya non at medyo malaki na sya.
Ngayon siguro nasa tatlong taong gulang na sya. Pinag tapat sa akin ni Maricris na kadarating lang ni Kolen noong isang araw dahil kaaayos lang ng papeles nito.
"Is Mommy okay?" malambing na tanong ni Kolen habang kalong ni Claire. Tumango ako sa bata at sinamaan naman ng tingin si Maricris.
"No, she's not okay honey." malambing ding sagot ni Maricris sa bata. Wow! Buti pa don sa bata ang lambing. May sugat ba yung bata? Wala! Eh ako? Meron! Tapos ang harsh pa manggamot! Paano ko ba nakuha ang mga sugat na to?
(Flashback)
"Anong ginagawa mo dito.?" kabadong tanong ni Maricris kaya napatingala ako. Nakita ko si James Lee na nakasmirk sa amin habang pinapaikot ang singsing sa palasingsingan nya.
"Visiting you?" Nakasmirk na saad ni James. Tumayo ako at nilagay sa likuran ko si Kolen na nag tataka sa nangyayari sa harapan nya. "Finally James. Nag meet na rin tayo ng wala kang pasa sa mukha. Kamusta sa kulungan?" nang iinsulto kong tanong. Nag smirk lang sya, sabay roll eyes. Ay taray!
Gumawi ang mata nya sa batang nasa likuran ni Maricris.
"Oh is that Kolen?" may himig na pananakot na sabi ni James. Lalo tuloy nag tago sa likod ni Maricris si Kolen.
"You know what James, you better go. We don't need you here." mahinahong sabi ni Maricris.
Pero para syang bingi na hindi nakakarinig. Dahil, imbes na umalis lumapit pa sya.
Humarang ako sa harapan ni Maricris. Hawak nya si Kolen na natatakot. "Text mo sina Anj" bulong ko kay Maricris.
"Done... " mahina din nyang sabi. "Loves, natatakot ako" nanginginig ang mga kamay nya habang hawak ang laylayan ng damit ko.
"Back off James" banta ko.
Nakangisi lang sya at palapit ng palapit. Matigas talaga ulo mo ha. Isang malakas na flying kick ang pinakawala ko sa mukha ni James. Napayuko sya at ng tumunghay sya may dugo ang bandang labi nya.
"Sinasabi ko sayo. Wag kang lumapit" ngisi kong sabi. Kulit eh.
"Bitch" rinig kong sabi nya.
Aba ang buset na to!
"Excuse me, let me correct you. Hindi ako ang bitch sa mag pipinsan, si Panini yon. Mabunganga lang ako pero di ako bitch" pag kokorek ko. Trulalo naman na si Panini ang bitch sa amin. Oo maamo ang mukha ng ipokritang pinsan ko na yon pero kung tutuusin, ang bitch nya as always.
BINABASA MO ANG
Inlove Again
HumorIto ay kwento ng pagkamatay ng pag-ibig ni Payong, char! Jk lang. Kung gusto nyo malaman ang kwento ng mahal nating si Payong, ehem, basahin nyo na lang. Ang kwentong ito ay GxG. Kung hindi ka nag babasa ng ganitong genre, malaya kang makakahanap ng...