(Maricris)"Kailan alis mo?" Tanong ko kay Ella. Narito kami sa bahay, after nila magpunta sa presinto. Even me, kailangan ako mag punta. James is back in jail now. Nawala lahat ng yaman na meron ang pamilya nya. And all shits they did is over. Thanks to Gwen and Anj, especially, to my loves Ella. Si James ay nasistensyahan ng pagkakakulong habang buhay dahil sa patong patong na kaso na isinampa sa kanya. And his family, of course bantay sarado sa mga gagawin nila. I also heard my Ella said "They make one move, I myself will make 'em more down. My forgiveness is not for sale." Naks naman ang wife ko. Anyway, Gwen also say a word to the authorities. Kapag hinayaan na mawala si James sa kulungan, hindi nila magugustuhan ang gagawin ni Gwen. Yes, James was in jail, before, pero that was temporary although he escaped and tried to kill me. Even sent death threats to my Ella. Funny, lil' did he know Ella and Gwen is making a move to destroy his shits. To be honest, after ko makita si James na naglalakad papasok sa loob ng kulungan, unconscious pa rin sya. I tried to ask Ella pero nag kibit balikat lang sya. Ibabalik daw sa hospital, and what surprises me, nag volunteer si Gray na bantayan si James. Pumayag naman si Gwen, dahil mas panatag ang loob nya kapag si Gray ang magbabantay kaysa ang mga pulis.
I asked Ella about it, and she only answers me, 'Gray is no ordinary, I tell you'. Medyo na puzzle ako sa sinabi nya. Sinabihan pa ako ni Ella na huwag na lang daw ako magtanong kahit sya, hindi rin nya magets ang sinabi sa kanya ni Gwen. 😅
After it, tumawag ng doktor si Gwen, para dito magpunta at tingnan ang sugat ni Avary. Ganon din, si Kolen. Baka natrauma na ang anak ko ng dahil sa nangyari. Thank god, hindi nagkaroon ng trauma si Kolen.
"Mommy" higit ni Kolen sa laylayan ng tee shirt ko. Tumungo ako at niyakap sya.
"Bukas." Sagot nya. "Ano? Agad agad na?!" Sigaw ko. Sa pagkakaalam ko kadarating nya lang.
"Ang bilis naman" mahina kong sagot. "May jetlag pa nga ako, labs eh. Kaso, kailangan" matamlay nyang sabi.
"Uminom ka na muna nito, para makapagpahinga ka" nag aalalang sabi ko sa kanya. Ngumiti sya bago tinanggap ang gamot.
**
"Gising na!"
"Aray naman. Ano ba naman Gwen gusto mo? Nag papahinga ako oh!" Inis kong sabi kay Gwen. Alam ko kanina pa nya akong ginigising sa totoo lang. "Hinaan mo nga yung aircon. Ang sobra naman yatang lamig!" Reklamo ko. Nakapikit pa din ang mga mata ko.
"Inuutusan mo ba ako?" Mataray na tanong ni Gwen. Ano ba naman tong si Gwen, isang request lang. Hindi makarequest dito sa babaeng to.
"Ako na nga!" Inis ko sabi sabay tayo. Nag hikab ako at nag unat unat ng konti. Pero sa totoo lang talaga nilalamig ako.
Ginala gala ko ang mata ko para hanapin ang aircon. Lumapad ang ngiti ko ng makita ko sa bandang kaliwa sa itaas. Hahanapin ko na sana yung remote pero naagaw ng pansin ko ang maliliwanag na ilaw mula sa labas.
"Teka-" sambit ko at tatakbong dumungaw sa malaking bintana.
"Anak ng...nasa New York ba ako?!" Sigaw ko. Binuksan ko ang bintana para tingnan ang labas. Halos magdikit ang ngipin ko sa mga nakikita ko sa labas.
City ng New York. Take note! Nasa isang hotel ako at sa pinakamataas pang palapag!
"Ella!" Sigaw ko. Anong kinain nya bakit pati ako sinama nya dito?! Marami pa akong gagawin sa Pilipinas. May mga schedules ako tapos magigising na lang ako? Narito na agad agad ako sa New York?!
"Wala sya, andon sya sa kabilang kwarto."
Lumingon ako sa nag salita. Si Gwen. Nakacross arms sya habang nakasandal sa edge ng pinto. Nasa likuran nya si Coreen at si Veronica. "Anong meron?!" Inis kong tanong. "Please sit down" maawtoridad na sabi ni Coreen. Nag sigh muna ako bago umupo sa paanan ng kama.
BINABASA MO ANG
Inlove Again
HumorIto ay kwento ng pagkamatay ng pag-ibig ni Payong, char! Jk lang. Kung gusto nyo malaman ang kwento ng mahal nating si Payong, ehem, basahin nyo na lang. Ang kwentong ito ay GxG. Kung hindi ka nag babasa ng ganitong genre, malaya kang makakahanap ng...