Chapter 5

1.2K 53 14
                                    

(Ella)

Huling araw na namin dito sa New Haven. This time, mas muuna kami ni Maricris at Gab na umuwi dahil kailangan nang maumpisahan ang  photo shoot.

Pero parang mas trip ko na magsasabay na kami nina Panini.

"Kasama natin si Raegan" sabi ni Panini. Nag-aayos kaming dalawa ng gamit. Bukas din ang laptop namin dahil sa mga email.

"Ikaw na ang magsama sa kanya kay Katherine" dagdag nya pa.

Tumango na lang ako sabay upo.

"Ang hirap maging CEO slash COO no?" Sabi ko.

"Sinabi mo pa" agree nya.

"Pero mas mahirap ang maging maganda" dagdag ko with matching buntong hininga.

"You know Panini. Napakahirap maging maganda. Nakakapagod isipin sa araw araw na ang ganda ganda ko. Tuwing haharap ka sa salamin, hindi mo akalain na ganito ka kaganda. Ang hirap. Nahihirapan din ako, hindi nila nararamdaman yon. Di ba-AACCKKK! ARAY KO!" Inis kong sigaw kay Panini. Batukan ba ako.

"Ambisyosa ka din ano? Warka!" Irap nya.

"Hello! Nag sasabi lang ako ng totoo! At maganda akong kumanta" sabi ko with my duh tone.

"Isusobsob na kita, nakakabugnot ka na! Kung alam mo lang, napakaasim nyang boses mo!"

"Sumosobra ka na! Kumanta ako sa kasal mo at nagandahan ka!" Sigaw ko. Napapikit naman ako ng akma nya akong babatukan.

"Lip sync ka lang non! Hangang hanga pa naman ako sayo! Akala ko sayo talaga ang boses na yon! Bwiset ka!" Inis nyang sabihin. Tumawa ako ng malakas. Ang tagal na non, ngayon nya lang nalaman? Naka-lip sync lang naman talaga ako non. Palakpak pa ang baliw kong pinsan, hindi alam na nakalip sync lang ako. Nakatago talaga ang tunay na kumakanta. Hahahaha!

Hindi ko talaga makakalimutan ang mga pagmumukha ng mga pinsan ko, ng araw na yon. Sobra silang humanga. Hahaha!

"Paano mo nalaman?" Tumatawa kong tanong.

"Sinabi sa akin ni Sarah. May nakita daw syang may kumakanta sa likod ng stage. Kasabay ng pagkanta mo!" Inis nyang sabi.

Sabay kaming lumabas ni Panini ng room. Nasa receiving room sila nakaupo at nagkkwentuhan. Si Maricris at Gab nag-uusap sa isang tabi.

"I'm still not finish. Maybe a part time would be fine." rinig kong sabi ni Anj. Wala na yung Liza at si Kylie. Girlfriends ni Anj at ni Raegan.

"Anj?" Pukaw ni Panini kay Anj. "Why don't you work in our company?" nakangiting sabi ni Panini. Infairness kay Panini ang bait.

"Thank you. I'll think about it"sagot ni Anj.

"How's working with my step sister?" biglang tanong ni Raegan nakaharap sya sakin. Bumaling silang lahat sakin.

"Great!" Tipid kong sagot. Ayaw ko mag-aksaya ng english. Konti na lang ang natitira kong inipon na english.

"Ang tipid ng sagot ng warkang to" tumatawang sabi ni Panini.

"Konti na lang ipon kong english mga tertito na lang. Kaya kailangan ko mag tipid" sagot ko.

"Kausapin mo na lang sya ng Enchan Raegan"

"Uh-ah, wag. Baka maubusan din ako. Kailangan ko pa din puntahan si Cassiopea para pakasalan sya" sagot ko.

Mahirap na baka pag nagpunta ako don, hindi lang noo ni Cassiopea ang magsalita. Baka pati tenga nya at ilong.

"Hayan na naman pinsan mo Gwen. COO ba talaga yan?" Bulong ng asawa ni Panini. Si Vien. Kalong nya si Dindee.

"Oo, COOlang COOlang ang utak"
Sagot ng magaling kong pinsan.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon