Chapter 16

1K 51 85
                                    


(Ella)

"Mamaya pa dating nila Anj. Yung flight mo? So tuloy ka na as in?" Tanong ni Panini. Narito kami ngayon sa quarters nya.

Quarters; yung bahay na di naman kalakihan. Normal na 1 story house. May sofa, may flat screen tv. May 2 kwarto may banyo at kusina. Nasa likuran lang din ng bahay nila ang quarters na to. Pinagawa slnya ito, kung sakaling dumating sina Anj at may gawin silang misyon, dito ang meeting place nila.

"Oo, tatapusin ko lang misyon ko kay James Lee. Panatag na ang loob ko" sagot ko. Dalawang araw ang nakakalipas matapos namin mag kaayos ni Maricris, nasa poder nya si Kolen. Hindi ko din naman maintindi ang bata dahil busy ako sa plano namin ni Panini.

Unti unti na kasing sumisiwalat ang mga kalokohang ginagawa ng pamilya ni James. Ganon din ang mga ginawang kahayupan ni James. Unti unti na din umaamin ang datimg manager ni Maricris na si Thea sa mga sinuhol rito ni Lee.

Si Maricris, unti untimng lumilinis ang pangalan. Katulad ng paglilinis ng pangalan kay Aria, na dinungisan din ng mga Lee. Remember Arianna 'Aria' Scott? Sya yung artista na nawala sa limelight, 5 years ago. Sa tulong din kasi ni Avary kaya napapabago na ang tingin sa artistang si Aria.

"Paano na yung mag-ina mo?" Tanong naman ni Veronica. Oo kasama ko sya. Ako mismo nag sama sa kanya dito sa bahay ni Panini. Gusto nya daw kasing makipag usap sa pinsan ko. Pero ito namang pinsan ko, hindi pinapansin ang bessy nya. Este, ex-bessy nya.

Ewan ko ba dito kay Panini bakit nagalit sa bessy nya. Ayaw naman sabihin sa akin ang rason. Ganon din naman itong si Veronica eh, iiyak iyak sa akin. Hindi ko naman mabigyan ng advice dahil wala syang sinasabing rason kung bakit lumalayo sa kanya si Panini.

"Kasali ka ba sa usapan? Hanggang dito lang oh. May boundary oh" sabi ni Panini with matching kunwaring may hinahati yung sahig. Sira ulo talaga tong si Panini. Hindi naman nya mahahati yang sahig eh gamit lang ang kamay nya, gumamit kaya sya ng kutsilyo. Tss. Slow talaga.

"Hmp!" Labing tugon ni Veronica. "Si Payong kinakausap ko hindi ikaw" irap naman ni Veronica.

Buti na lang kami pang tatlo ang naririto, kung nagkataon na narito sina Anj, Claire at yung iba pa. Naku! Mambubuyo sila. Pag aawayin pa lalo itong dalawang to.

"Punta ng punta dito." roll eyes ni Panini.

"Sinama ko sya dito" sabi ko. Ako naman ang tinapunan ng nakakamatay na tingin ni Panini. Oh ano namang tingin yan?

"Eh bakit mo nga ba yan sinama dito?!" inis na sabi ni Panini.

"Para mag kausap kayo ng maayos!" katwiran ko.

"Kaming dalawa?! No f*cking way!" balik na singhal ni Panini sabay irap.

Parang tanga talaga mata ni Panini. Sarap dukutin eh.

"Eh bakit kasi nag aaway kayo? Ngayon na nga ulit kayo nag kita tapos, yan pa! Away pa!" Sermon ko sa dalawa.

"Yon na nga eh! Ngayon lang ulit kami nag kita after 5 years! Matapos akong sumbatan ng Papa nya na ako ang may kasalanan kung bakit naudlot yang bwiset na kasal nyo ni Martin! I didnt know that stupid arranged marriage! And of course, after that hostage your father blamed me! Yes! I accepted your father's fhilty words, just to be clear that I CAME FROM HELL FAMILY! Kasalanan ko ba kung ganoon ang pinanggalingan ng pamilya ko? No! I didn't know it, from—the—first—place! Tapos, tapos, umalis ka noon na nasa ospital ako without a word. Hindi ka man lang nag paalam. Hindi ka man lang nakipag communicate sa akin na umalis ka ng bansa tapos ngayon uuwi ka at sasabihin na 'I'm sorry.' Why?" Sigaw ni Panini. Halos mapaurong ang katawan ko sa sigaw nya na ubod ng lakas. Tumayo pa sya sa harapan ni Veronica at dinuro ang sarili.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon