Chapter 17

1K 46 26
                                    


(Maricris)

Former President of Bernard Corp Martin Bernard was found brutaly wounded in the north side of Nashville

"GWEN!!!" Isa malakas na matinis na sigaw ang narinig ko mula kay Ate Vien. Pati si Ate Angela napapikit sa sobrang lakas.

"Yes hon?" Tanong ni Gwen. Tumakbo sya na nagpunta sa kinaroroonan naming tatlo. "Ano to?" Inis na tanong ni Ate kay Gwen. Pinakita yung laman ng tabloid.

"Ang alin?" Patay malisyang tanong ni Gwen. Alam kong binasa nya yung nasa tabloid pero kunwari pang hindi alam ang point ni Ate.

"Isa Gwen ha!" Banta ni Ate. Alam kong nag papalatak na si Gwen kasi hindi nya sa makakalusot kay Ate once na magalit to.

"Ang alin nga kasi!" Talagang hindi pa sya natatakot sa lagay na yan. Tingnan nyo oh, nakakapagkunwari pa. Si Ate halos namumula na yung tenga kasi nga patay malisya pa rin si Gwen.

"Ihahampas ko to sayo" banta ni Ate at finold ang dyaryo into cylinder shape.

"Bakit kasi nauso uso pa yang dyaryo na yan" bubulong bulong na sabi ni Gwen tapos umirap. Naku! Mahuli yan ni Ate, lagot sya.

"May binubulong ka ha?" Mataray na tanong ni Ate. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Malakas na hinampas ni Ate Vien si Gwen sa balikat kaya napaigtad naman yung isa.

"Aray ko naman Misis ko! Ang sakit ha!"

Inaro ni Ate ang dyaryo na hawak nya sa mukha ni Gwen. Ngumuso pa si Gwen bago sumagot.

"Oo na! Ako nag utos kay Jack at Harry na gawin yan sa Martin na yan" pag amin ni Gwen. Isa na namang hampas ang natamo ni Gwen mula kay Ate.

"Kita mo na. Umamin ka din!" Inis na sabi ni Ate. Frustrated na umupo si Ate sabay bato ng dyaryo sa coffee table.

"Why did you do that?" Tanong ni Ate. "I'm still thinking she's inlove with you" napataas ang kilay naming dalawa ni Gwen ng sabihin yon ni Ate.

"She sounds jealous" bulong na asar ko kay Gwen. Ngumiti sya ng nakakaloko.

"Oo nga eh" hagikhik ni Gwen. Natigilan nga lang kami ng tingnan kami ni Ate Vien.

"Pag-untugin ko kaya kayong dalawa dyan" inis na sabi ni Ate.

"She's not inlove with me love Ginawa ko lang yun kay Martin dahil sa ginawa nya sa best friend ko. Yes, I was angry at Veronica after leaving me without a word. Then she told me the truth." admit ni Gwen. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano yun?

"At ano yon?" taas kilay na tanong ni Ate. Gwen inhale first. Sinabi nya lahat ng mga kinuwento sa kanya no Veronica. Naroon pa daw si Ella noong aminin nito ang lahat kay Gwen. Nakakaawa pala ang sinapit ni Veronica. Mas masahol pa yung nangyari sa kanya kaysa sa akin. Nag pupumilit din syang maging okay kahit ang sakit at sariwa pa ang mga sugat nya mula sa nakaraan. Na-miscarriage sya tapos, na depressed at inabuso ng asawa.

Kaya sa galit ni Gwen, agad nyang kinontak ang mga kakilala nya sa Nashville dahil naroon daw si Martin. Pinalipad nya din daw sina Jack at Harry patungo ron gamit ang private plane nya.

"Hindi pa rin magandang rason yon, Gwen." iritang sabi ni Ate. Inakbayan ni Gwen si Ate. "I know. But, that was only the beginning. Hindi ako titigil hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang ginawa ni Martin kay Veronica." mapanganib talaga si Gwen kapag kinalaban mo.

"Gwen...please" pakiusap ni Ate. Ayaw nya na kasing nasasali sa gulo si Gwen. Ngumiti lang si Gwen. "Last na to. Tapos na rin naman ang misyon namin ni Ella against James Lee, so yeah" Gwen swore, reaching my sister's hand. Pero yung isa nyang kamay sa ibang bahagi gumagapang.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon