(Ella)"Hindi ka naman nag bibiro Panini nyan?" Ismid ko. "Mukha ba akong nagbibiro?" Nakataas kilay na tanong nya.
"Si James Lee?! Model nyo!" Hindi ko makapaniwalang saad sa kanya. Narito kami sa balcony. Kahit na antok na antok dahil puyat ako dahil kay Avary na yan, gising na gising ang diwa ko ng malaman ko kay Panini na model nya pala ng Crown Apparel si James Lee. Hindi ko nga lang nakita kagabi dahil huli daw nung lumabas. Yung time na akala ko tapos na ang event hindi pa pala.
"It was the B.M's that made him as Crown male model. I refused but alam mo na, mainit kami sa mata ng mga tao. Mas pinanigan ang kampo ni James. It's not like I lose the game, it's just the beginning. I thought of if I agreed to them, it'll be easy for me to take him down. I act nice towards him. Hindi mo ko makikitaan ng panget na attitude sa kanya kasi all of is part of the plan." Sagot nya. Pinag sasabi nya, oo madali kung i-isniper ko mula dito sa kinatatayuan ko si James Lee. Ayon oh nasa may pool lang. Napakadaling barilin.
"Relax ka lang dyan, ako bahala" nakangising sagot ni Panini. "Ewan ko sayo." Irap ko. "Teka nasaan nga pala sina Vien?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa Valenzuela, kasama si Mommy Ellen. Doon muna sila. Hindi muna ako uuwi hanggat hindi natatapos tong gusot na gusto mong plantsahin" seryoso nyang sabi. Wow, magaling talaga si Panini sa mga ganyang words. Pero may kulang sya sa sinabi nya.
"Tandaan dapat may kabayo para mas lalong umunat ang damit" nakangiwing sabi ko. Nakatikim naman ako ng malakas na hampas mula sa kanya. "Puro ka biro. Mag seryoso ka naman kahit minsan" irap nya.
"Tara" yakag nya. Hndi na ako nakakontra dahil hinila na nya ako pababa.
Sa baba naroon si Maricris kausap si Avary. Nakatingin sya sakin kaso inirapan ko lang. Hinila pa ako palabas ni Panini at may sumalubong sa amin na magagandang babae at may dalawa pang gwapo.
"Gwen?!" Tili ng isang babaeng blondina na matangkad with matching talon sabay yakap kay Panini ng mahigpit. "Sarah!" Tili din ni Panini. Kasunod ng Sarah ang isa pang babae na sa akin lumapit.
"Hi, I'm Claire." Pakilala sakin ng babaeng maganda with blonde hair. Infairness, lalo syang gumanda. "Hello Claire"bati ko. "I'm Tina" pakilala naman nung kamukha ni Emma Watson.
"Hello Tina. Nice to meet you" sagot ko sa kanya. "Nice to meet you too, Ella. By the way, this is Harry and Jack"
Nag wave ako sa dalawang gwapo. Nakipag shake hands sila sakin. Bumaling ang tingin ko kay Panini, sakin pala nakatingin si Sarah.
"And she's Sarah." Sabi ni Panini. Sasagot na sana ako pero niyakap ako ng mahigpit nung Sarah.
"Nice to finally meet you Ella! I've heard so many things about you! And I missed you!" Natutuwang sabi ni Sarah. Nakayakap pa rin sya sakin. Sasagot na sana ako pero may tumikhim.
"Ehem... E-Eheemm..."
Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses. Walang iba kundi si Maricris.
"Ay sorry. May nainterap ba ako?" Pakunwari nyang sabi sabay balik ng tingin sa binabasa. "May binabasa ka ba talaga Melissa?" Rinig kong tanong ni Avary kay Maricris.
"Oo, tumahimik ka kung ayaw mong isigaw ko dito ang pinag-usapan natin kanina" si Maricris talaga hindi pa rin nag babago, nang b-blockmail pa rin.
"Anyway, I need rest. We'll talk later Ellie" nakangiting paalam ni Sarah sabay kiss sa pisngi ko. "Hatid ko na kayo sa taas" sagot ni Panini at sinamahan sila sa itaas.
Natulala naman ako after. Isang magandang dilag hinalikan ako. Ehmegerd!!
Pero napalitan ng inis ng may maramdaman akong babaeng pinupunasan ang pisngi ko. "Teka! Ano ba!" Inis kong tabig kay Maricris. Aba pinupunasan lang naman ang part ng pisngi ko na hinalikan ni Sarah.

BINABASA MO ANG
Inlove Again
HumorIto ay kwento ng pagkamatay ng pag-ibig ni Payong, char! Jk lang. Kung gusto nyo malaman ang kwento ng mahal nating si Payong, ehem, basahin nyo na lang. Ang kwentong ito ay GxG. Kung hindi ka nag babasa ng ganitong genre, malaya kang makakahanap ng...