(Maricris)Kumatok ako sa pinto ng apartment nina Ate Vien at Gwen. Wala si Gwen, nasa V&L kasama ang kaibigan nyang si Raegan.
"Open the door sweetie. I think it's Tita Maricris." rinig kong sabi ni Vien sa anak nya doon sa loob. Nag text kasi ako kay Ate na pupunta ako sa apartment nila ngayon, tutal, wala namang shoot. Pero mamaya interview ko na para sa ilalagay sa magazine.
Ilang segundo lang ay nag bukas ang pinto at nakita ko si Dindee na nakasmile sa akin.
"Hi, baby" mahina kong bati. Lumuhod ako at kiniss sya sa noo.
"Ate?" Tawag ko kay Ate Vien. Tumingala sya habang kalong si Nini.
"Naparito ka? Bakit?" Tanong ni Ate. Ngumiti ako ng bahagya sabay upo.
"Wala lang. Wala kasi akong magawa sa hotel" sagot ko.
"Mabuti naman at nakatakas ka don sa Gabriel na yon" irap na sabi ni Ate.
"Actually, tumakas talaga ako pati na rin kay Lanie" sagot ko. "Famous ka na kasi" biro ni Ate.
Napangiwi lang ako. Sa totoo lang simula noong matapos ko ang teleserye ko, I mean unang salang lang sakin yon, supporting actress lang ako, hindi na ako ganon kasaya. First teleserye ko yon, kasi nga di ba kumakanta ako. Sumali ako dati sa isang variaty show kung saan may paligsahan sa pag kanta. Nanalo ako at nagkaroon ng karera sa pagkanta kaso, hindi ako ganon kasikat hanggang yon nga i-try daw ako sa isang teleserye kasi may fes daw ako. Nakilala ako, sumikat. Lalo pa akong sumikat noong kumanta na ako sa isang concert, binigyan ako ng title na Rockstar Singer. Pero nasa kalagitnaan pa ako ng pag-ahon upang sumikat sya namang nasira ang buhay ko.
Nasira nang dahil kay James Lee. Wala akong nagawa ng gabi yon. Pilit akong pumipiglas sa mga malalakas nyang kamay ngunit napakalas nya. Mahina lang ako. Gusto ko syang isumbong dahil sa ginawa nya sa kin pero pinag bantaan nya ako ganon na din ang buhay ni Ella. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nangyari sa akin. Awang awa ako sa sarili ko non, pakiramdama ko napakawalang kwenta kong kasintahan. Hindi ko man lang sya naipagtanggol. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Takot na takot ako. Halos mabaliw ako. Pero sabi ko sa sarili ko, lalabanan ko to at dadating ang panahon, ilalagay ko sa impyerno ang hudas na James Lee na yan.
Ngunit naduwag na naman ako. Paano kasi, sa tuwing maalala ko ang mga ginawa nya sakin nauuna lagi ang takot at pangamba na baka gawin nya ang pagpatay kay Ella o kaya sa iba ko pang pamilya.
Hanggang sa ito na nagkita kami ulit ni Ella. Hindi ko inaasahan na sya pala ang tinutukoy ni Gwen noon na may kakilala daw ako sa magazine na icocover ko.
Si Ella pala. Si Ella na COO ng E. Magazine. Hindi ko akalain na ganito na kataas ang posisyon nya. Noon kasi, kinukumusta ko sya kay Gwen, ang sinasagot lang sakin non, ayos lang si Ella. Maganda ang buhay sa New York. Yon pala, sobrang ganda na ang buhay nya. Pero napapansin ko sa mga mata nya ang poot noong nakita nya ako. Hindi nya matanggap na nakita na naman nya ang taong nanakit ng puso nya, at alam nating lahat na ako yon.
"Umiiyak ka na naman" pukaw at puna ni Ate sabay punas ng hintuturo nyang daliri ang pisngi ko.
"Naalala ko lang kasi eh" saad ko. Ngumiti sya ng mapait.
"Nakausap na namin sya kahapon lang. Pumunta sya dito" pahayag ni Ate. Tumunghay ako at hinintay pa ang sasabihin ni Ate.
"Ano pang sinabi nya?" Asang asa kong tanong kay Ate.
"Alam mo naman ang sagot" sagot nya.
😒
"So ano pang silbi ko dito? Kung wala ka ring sasabihin?" Pokerface kong tanong.
Minsan talaga nakakapikon tong Ate ko eh. Isama na pati ang asawa nya.
BINABASA MO ANG
Inlove Again
فكاهةIto ay kwento ng pagkamatay ng pag-ibig ni Payong, char! Jk lang. Kung gusto nyo malaman ang kwento ng mahal nating si Payong, ehem, basahin nyo na lang. Ang kwentong ito ay GxG. Kung hindi ka nag babasa ng ganitong genre, malaya kang makakahanap ng...