Chapter 10

1K 59 13
                                    

(Ella)

Ano bang sabi ko kay Panini?! Hindi ako mag tatagal dito sa Pilipinas. Aba nga naman ang baliw, inextend ang days ko.

Ginamit ang pagiging isang CROWN futaena! Para mag extend ang vacation days ko dito. Tambak na naman ako ng gawain don sa NY.

Pero bakit di nya man lang ginamit ang pagiging CROWN nya kay James Lee? Nag hintay pa syang 1 year and 7 months bago gumanti?!

"Ano na naman hinihimutok mo dyan Ella?" Nakasimangot na tanong ni Panini sakin. Ella muna tawag nya sakin, dahil may kaharap kaming investors nya. Narito kami sa isang meeting room, dito din mismo sa resort.

Nag pupulong kami about don sa ganap kagabi na fashion show. Natutuwa sila sa mga bagong designed na damit ni Panini. Kaso may gustong idagdag na model ang mga boards, si Camilla. Ayaw ni Panini naartehan don sa Camilla, masyado daw suplada.

"I am the CEO of Crown Apparel I'll choose whoever model I like." Oh yan na nga. Wag nyo kasing ginagalit yang si Panini eh.

May gustong kumontra pero ayaw naman mag salita, takot na siguro sila.

At dahil sa inis ni Panini, tinapos na nya ang meeting. Pinatawag nya ang designer nya para sa susunod na fashion show. Pero sa susunod na 3 months pa naman yon. Sa totoo lang marami ng model si Panini, nakakapag taka kung bakit pati si Camilla ay isasali pa nung mga boards.

Lumabas ako kasabay ang mga boards. Hahanapin ko sina Claire. Sabi nila may gagawin daw silang hakbang ngayon kay James Lee pero bakit hindi pa nila ako tinatawag para sumama sa kanila.

Si Avary nakikita ko na. Nakasuot sya ng coat na hanggang upper waist nya may necktie, naka ripped jeans at heels. Honestly, naaastigan ako sa mga sinusuot nya. Ang lakas ng appeal nya eh.

"Sina Claire nakita mo?" Tanong ko kay Avary matapos makalapit sakin.

"Yung kaibigan ni Gwen? Hmm. Oo, kadarating lang namin eh" sagot nya. Teka, 'namin?' So ibig sabihin may pinuntahan sila. "San kayo galing?" Tanong ko.

"Oh hi Ellie!"

Lumingon ako sa bumati. Si Sarah, kumaway pa kahit nakahawak kamay Claire.

"Saan kayo galing?"

Bumuka ang bibig nila pero isang malakas na sigaw ni Direk ang narinig namin.

"Si James Lee!" Tili ni Direk. Ano na naman problema ng direktor na yon?

"Heeellppp!" Sigaw ni Direk. Yamot akong lumapit don sa kinatatayuan ni Direk. Nag paiwan sina Claire.

May mga guards at Resort Medics na lumapit. Bugbog sarado si James Lee. May pasa sa baba, sa may mata, may dugo ang damit at may hiwa ang labi. Mukhang wala nang malay si James Lee, nakahandusay na sa malaking vase.

"Sinong may gawa nito sayo?" Palatak ni Direk. Sira ulo din ton si Direk eh. Paano kaya sasagot yang si James Lee sa kanya, wala na ngang malay. Sino nga ba may gawa sa kanya nyan? Unang pumasok sa isipan ko sina Claire. Feling ko alam ko na ang ginawa nila.

Sumugod ako sa kinaroroonan nila na mukhang tinatawanan pa si James na nakahiga sa stroller.

"Bakit di nyo ko sinama?" Palatak ko.
"Saan ba?" Tanong ni Anj. Tuloy pa rin ang hagikhik. Sa phone na sila nakatingin ngayon.

Ano bang pinapanood nila?

"Don sa ginawa nyo kay James Lee! Sabi nyo isasama nyo ko!" Palatak ko pa. Pinangakuan nila ako kapag may gagawin sila sa damuhong James Lee na yon, kasama ako.

"You have no idea" respond ni Claire na tumatawa tawa pa. Ano bang idea sinasabi nya? At saka ano ba yung pinapanood nila?

Sumilip ako at may nakita na isang babae na tinataekwondo yung lalaki.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon