Chapter 14

1K 54 19
                                    

(Ella)

"Hindi ka talaga aaminin sa kanya?" Pangungulit na naman ni Panini sa akin. Kanina pa talaga sya eh. Kaya nga nag punta ako dito sa opisina nya for peace. Este, katahimikan.

Maling mali pala ang napuntahan kong lugar eh.

"Change the topic please..." Bored kong sabi. "Kamusta yung dating manager ni Maricris?" Tanong ko.

"Hawak na nina Claire at Anj." Naka smirk na sabi ni Panini.

As usual talaga, hindi na makakawala ang dating Manager ni Maricris.

"So hindi ka talaga aamin?" Ayan na naman bunganga ng pinsan ko.

"Ano ba kasing aaminin ko?" Frustrated kong tanong. Tinuon ko ang siko ko sa sandalan ng inuupuan ko at hinilig sa mga palad ko ang ulo ko.

"Mahal mo pa si Melissa Pascual" taas baba ang mga kilay nya.

"Bakit naman ako aamin sayo na mahal ko pa si Maricris. Na, simula nang makasama ko sya sa NY, at kasama ako papunta dito eh bumalik ang nararadaman ko para sa kanya. Kase totoo naman nga yon" nakataas ang kilay ko na sabi sa kanya. Tumango tango naman sya , mabuti na lang at naintindihan nya.

"Mabuti na lang talaga hindi ako SLOW" sabi nya. Ang sama talaga ng ugali nya. Sino na naman ang kinokomprontahan nya na SLOW? Wag nyang sabihin na ako? Dahil hindi talaga ako aamin sa kanya na mahal ko pa si Maricris. Mula ng makasama ko sya sa NY at dito bumalik ang feelings ko kahit na itago ko hindi ko pa din magawa. Kaya walang aminan na mahal ko pa din si Maricris. At mukhang paulit ulit na ako sa sinasabi ko dahil hindi naman talaga ako aamin kay Panini. At dahil mukhang paulit ulit na ako, mukhang nakukuha ko na ang ibig sabihin ni Panini na SLOW, at nagegets ko nang ako yon. Dahil naamin ko lang naman sa harapan nya kanina. Imbes na sagutin ko lang sya ng hindi ako aamin. May pinagpatuloy pa akong salita na mukhang napaamin nya nga ako na mahal ko pa rin si Maricris. Mukhang humahaba na tong pinagsasabi ko ganon din ang kabwisetan na ginawa ko dahil naka evil smirk na ang pinsan ko.

"Oh ano? Sa hinaba haba at paulit ulit mong salita dyan sa isip mo, ngayon mo lang nagets?"

Nakakaasar talaga sya minsan.

No! Wrong word! Hindi 'minsan' ALWAYS! Take note Ella, ALWAYS.

"Alam mo kasi Panini, masyado na akong nagugutom kaya, kain na tayo" Pag iiba ko na lang ng usapan. Ang dami nyang sinasabi. Tumayo sya ganon din ako. Sinundan ko si Panini hanggang sa kotse. Gusto nya daw kumain eh, sasama ako. Baka libre nya. Hihihi!

**

Bumaba kami pareho ni Panini sa kanyang itim na sasakyan na Rolls Royce.

May babaeng nasa harapan namin. Naka shades sya. Infairness ha, ang ganda nya. Pero baka panget pag tinanggal ang shades nya. Lumingon ako kay Panini na naninigas sa kinatatayuan nya habang nakatingin don sa babae.

Oh? Anyare sa kanya? Nagandahan sya don sa babae? Hello! Maganda naman talaga si girl, kaso may asawa ka na Panini kaya wag nga ka mukhang timang sa harap ni Ms. Beautiful.

Lumapit ako kay Ms. Beautiful.

"Hi, Ms. Anong name mo? Mukhang na star struck sayo si Panini eh." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti sya sa akin. "Veronica" sagot ng babae.

"Ahh.. Aba, hahaha! Veronica.... Veronica din name ng bessy ni Panini." natatawa kong sabi.

Tumikhim si Panini.

"I mean ex...bessy" pagkokorek ko. "Nangiwan yon sa ere. Walang paalam na lumisan. Hehehe" pag papatuloy ko pa. Which is truelalu naman. Hello?!?!!! Ang tagal kayang hindi nag pakita ni Veronica. Umalis yong Ronnie na yon ng wala man lang paalam kay Panini. Ni Ha ni ho, walang natatanggap si Panini.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon