Chapter 12

1.2K 55 25
                                        

(Ella)

"Iyak!"

"Umiyaaaak kaaaa!" Sigaw ni Direk. Yung dumi ko sa tenga nag labasan lahat dahil sa lakas ng sigaw nya.

Nakakabwiset na tong si Direk! Malay ko ba kung paano umiyak.

"Ano ba naman Ella hindi ka ba marunong umiyak?" Yamot na sabi ni Direk. Tss. Marunong ako! Ilang galon na ba naiiyak ko non? Nong broken hearted ako?
Eh nasaid na, so wala na akong malabas na luha.

"5 minutes break!" Sigaw ni Direk. "Kaloka!" Sigaw nya sa mukha ko.

Tss.

Hinila ako ni Panini at Avary sa tabi nila matapos akong sigawan ni Direk.

"Alam mo, pang sampung take na yan eh. Kahit isang butil lang patuluin mo mula dyan sa mata mo" sermon ni Panini. "Last take na to. Kung hindi ka ba naman kasi umalis kahapon e di tapos na scenes mo" Dagdag nya.

Sa malay ko bang may kasunod pa akong gagawin. Matapos nila kaming patakbuhin sa initan, mag bilad sa buhangin sa gitna ng tirik na tirik na araw. Naka two piece lang ako non. Tapos, hahalikan ako ng 3 beses na naging mapusok pagdating sa pool scene. Aba aba!

"Eh hindi ko nga alam kung san banda" katwiran ko na lang.

"Anong san banda syempre dyan sa mata mo" irap ni Panini.

"Alam ko. Kaliwa ba o kanang mata ang patutuluan ko ng luha?" Sabay tawa ko. Hahaha! Malay nya sa kaliwang mata lang dapat tumulo. Char!

"Eh baliw ka pala eh!" Sigaw nya. Babatukan na sana nya ako pero nag punta ako sa likuran ni Avary.

"Bakit ba kasi iiyak pa ako?!" Palatak ko. Lagi na lang bang ganon? Iiyak na lang ako palagi.

"Sa malamang malungkot yung kanta." Sagot nya sabay iwan sakin.

Ah malungkot pa lang yung kantang yon. Akala ko kasi comedy kaya tumatawa ako. Ano nga ulit title non? Ay ewan ko!

Tinapik tapik ako sa balikat ni Avary.

"Gukjung hajima, yeobo"

(Don't worry, honey)

Ayan na naman sya kinoreyan ako. "Everything will be okay" dagdag nya. Aba! Ininglish naman ako.

Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko. Matumba pa ako ng wala sa oras dito dahil ang sama ng tingin sa akin nung Arianna na yon.

"Wag mo nga ako akbayan" irap ko kay Avary.

"Bakit naman?" Maangas nyang tanong.

Tiningnan ko si Arianna na hanggang ngayon ang sama pa din ng tingin sa akin. Sinundan ni Avary ang mga mata ko.

"Tss" roll eyes nya. "Anong problema ng babaeng yon?" Ismid nya. Inakbayan nya ako ulit.

"Yeobo, ano ka ba--" she mumbled but I cut her off.

"Ano bang yeobo ka dyan? May abs ako ha, hindi ako mukhang lobo!" Inis kong sabi sa kanya.

"Yeobo means, honey. Just a friendly nick name for you. Just go with it" she chuckled. Oo na lang.

"Wag mo syang pansinin. Sya nag taboy sa akin di ba?" Roll eyes nya pa at hindi pinansin ang nag hihimutok na Arianna don sa isang tabi.

Oo nga naman. Kaya lagi kami nag uusap nitong si Avary eh. Maliban daw sa kaibigan nyang si... Ano nga ulit name ng friend nya?

"Ano nga pangalan ng friend mo? Yung bespren mo?" Tanong ko kay Avary.

"Kim Seung-Jae" sagot nya.

"Ah. Si Kim" sagot ko naman. Napansin kong pinagdilatan ako ng mata. "Seung Jae ang pangalan non, surname nya ang Kim."

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon