(Ella)
Valentines ngayon sa Pilipinas. Eh ano ngayon? Wala namang poreber!
Gumawi ang paningin ko sa poster na nakapaskil sa labas lang office ko.
Megende pe ren sye..
Pero sinaktan ka.
Pinupuri ko lang! Masama ba? At saka, new model namin yan, okay!
"Ms. Gonzales?" Snapped ni Beth. Kanina pa ba sya dito? "Yes Beth?" Tanong ko at nilapag ang magazine sa table.
May pinakita syang mga valentine decorations.
"Don't. I don't want those decorations in my office" pigil ko.
Hindi sa pagiging bitter, magkakaroon lang ng kalat ang dingding ko. Ang ganda ganda pa naman ng dingding ko, pure white at white stained glass.
"Why, it is Valentines tomorrow" sabi nya.
Ang kulet naman neto eh.
"It does not make any sense to me now" sagot ko. Wala na akong pake sa Valentines day. Ordinaryo day lang sakin yon. At saka, sino ba nag pauso ng Valentines day? Papatumba ko.
"Just throw them" I ordered. Nag nod si Beth at lumabas ng office ko. "Ang bitter mo" biglang sabi ng babaeng pumasok sa loob ng opisina ko. Si Panini.
"Papanget lang ang loob ng opisina ko. Ayoko ng mga kung ano anong decoration dito. Gusto ko plain lang" sagot ko. Kinuha ko ulit ang magazine na nasa ibabaw.
"Valentines naman"
Isa pa tong si Panini. Akala ko ba mas bitter sya sa akin? Bat ngayon mas bet nya na maniwalang 'May Poreber'
"So? Ordinary day lang yon, katulad ng ibang araw. Ang pinagkaiba lang, nilagyan lang ng label." Sagot ko
"Kakaiba ka na talaga." Irap nya. Inirapan ko din sya. Kala nya ah, sya lang marunong.
"Pasalamat ka wala ako sa mood mambuntal ng payong ngayon." Pagbabanta nya, nakakuyom lang ang palad nya na nasa tagiliran nya.
"Ikaw naman Panini hindi ka mabiro. Bakit ka pala naparito?" Ngingiti ngiti kong sabi. Baka magkaroon to ng mood at buntalin ako.
"Actually, Gray just arrived and she's staying in an apartment next to mine with her soon to be wife Coreen. As you can see, we planned to visit Anj and Raegan in New Haven and decided to take subway." Explain nya. English pa talaga ha.
"So?" Nakataas ang isang kilay ko.
"You'll come with us"
"Ayoko nga." Boring kong sagot.
"Speak in english please..." Remind nya.
"Umalis ka na lang" inis kong sabi. Kung english lang din naman gusto nyang isagot ko sa kanya. Hirap na hirap na nga ako mag english dito sa Newyork. Halos wala ng matirang english sa baul ko.
"Okay, you'll come with us. Start backpacking" sabi nya na parang employee nya lang ang kausap. Yung 'CEO' like ang dating, tinataas pa ang kilay.
"I've got lots of stuff to do here Ms. Crown" ganti ko with my COO like tone. Haha, kala nyang si Panini sya lang may kaya.
"I know."
"So I'm not going" irap ko.
"You are going. I already told to Tito Mel about your 5 days day off and he said yes."
"Anong 5 days?! Sira ulo ka ba Panini?! COO ako dito. Hindi ako pwede umalis" sagot ko. Workaholic na kung workaholic.
"Sasama ka. Kung ayaw mong ipagtabuyan kita kapag nakita mo ang anak ko" mataray nyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/94017428-288-k904554.jpg)
BINABASA MO ANG
Inlove Again
HumorIto ay kwento ng pagkamatay ng pag-ibig ni Payong, char! Jk lang. Kung gusto nyo malaman ang kwento ng mahal nating si Payong, ehem, basahin nyo na lang. Ang kwentong ito ay GxG. Kung hindi ka nag babasa ng ganitong genre, malaya kang makakahanap ng...