Chapter 8

1.1K 62 29
                                    

(Ella)

"Umalis na si Melissa"

"So?" Irap ko. Kailangan talaga malaman ko? Eh ano kung umalis ngayon yon? Tapos na naman kontrata nya dito sa E.Magazine.

"Hindi ka ba susunod sa kanya?" May himig na panunuksong tanong ni Panini.

"Bakit naman ako susunod sa kanya?" Mataray kong tanong sabay kuha ng tubig.

"Hhmmm. Wala lang" kibit balikat nyang tanong. "Mag papabook flight ka ba?" Tanong ni Panini.

Busyhan na nga ako dito sa loob ng opisina ko aabalahin pa ako ng bwiset kong pinsan.

"Baka naman kasi gusto mo umuwi sa Pilipinas" saad nya.

"Para san naman?" Ngiwi kong tanong. Ano naman gagawin ko sa Pinas? Narito ang trabaho ko.

"Bakasyon siguro" irap nya.

Anong bakasyon? Nakapag bakasyon na ako ng limang araw sa New Haven. At anong kapalit ng dumating ulit ako ng New York, ayon tambak na reports. Tambak na paperworks.

"Hindi na. Marami pa akong gagawin" irap ko sa kanya. "Sira ulo ka din no? May sharing yata kayo sa isang resort"

"Eh ano ngayon?" Irap ko with patarak tarak pa ang mata. "Fashion show ko at doon sa resort na yon ang ganap. Kailangan mong sumama" pahayag nya.

"Hindi ako sasama Panini!" Matigas kong sabi.

I swear to god! Hindi ako sasama! Baka magkita pa kami ng Maricris na yon! Hindi na sya nahiya. Hinalikan ako sa loob ng elevator. Hindi man lang aware na may CCTV at pwedeng scandal yon sa kanya.

Baka sa huli sabihin nya masisira image nya. Sa akin naman, okay lang kung kumalat yon. Wala naman akong pake.

Kahit paulit ulit kang halikan ni Maricris, ayos lang?

Oo-Ano?! Hindi ah!

Huli ka balbon!

Pero thanks to Panini, pinabura nya yung record. Jusko, yan pang si Panini, kapag nagsalita na tiklop sila. Hindi man halata sa mukha nya, dahil napakaamo ng pag mumukha nya pero brutal din yan pag tumira. Kaya mag-ingat kayo.

**

"Hindi na kita mahal. Mahal mo lang ako dahil sa kung meron ako. Hindi yung tunay na AKO!"

"CUUUUTTT!"

Halos mabingi ako sa sigaw ni Direk. Ang lakas lakas, ayaw hihinaan ang boses.

Ikaw ba naman dyan ka pa tumapat sa direktor. Malamang malakas talaga sigaw nyan.

"Yobi at Ayi!" Isa pang sigaw ng direktor. Amputss! Bubuntalin ko na talaga to! Ang sakit sakit sa tenga! Kung hindi ko lang kailangan si Maricris ngayon hindi ako mag-aaksayang pumunta dito.

Pano ba naman yang si Panini, ang guest singer nya pala ay itong si Maricris,  tapos hindi pa nya pinapasundo dahil sobrang busy sya. Ultimong ako pa ang inutusan na sunduin ko daw, tutal ako naman ay may kikitaing pera sa Fashion Show na gaganapin sa Resort namin dito sa Pilipinas. Sa amin na pala yung resort. Binili na ng Dad ko, kahapon ko lang nalaman.

Oo! Nasa PILIPINAS ako! Naintindihan nyo? Nasa PILIPINAS ako. Nilamon ko ang mga katagang 'I SWEAR TO GOD! HINDI AKO SASAMA SA PINAS' Oh tingnan nyo narito ako at ako pa mismo sumusundo sa buset na ex ko.  Ang warka ngumingiti ng masilayan nyang naroon ako. Inirapan ko nga. At simula ng pumunta ako dito at mapublish ang magazine? Dinumog ako ng press ganon din si Maricris ng dahil sa pag amin nya about sa aming dalawa.

"Ano ba?! Hindi ka ba tatabi sa daan?!" Sigaw ng isang babae sa likod ko. Halos mapaigtad ako dahil sa lakas ng boses nya.

Lumingon ako sa likod at nakita ang babaeng nakapantalon ng itim, fit yon. Leather style. Tapos, fit din ang suot nyang jacket. At nakaheels ng black. Korean style lang peg nya. Pero, wag kayo ah! Bagay sa kanya.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon