Chapter 19

1K 45 32
                                        

(Ella)

"Yeng totoo?" Paarte kong tanong sa mga boards ng nasa kalagitnaan na ng meeting. Well, hindi naman ako naintindihan ng mga kanong to so, englishan is real na naman ako.

"I think Ms. Gonzales was right..." Pag sang-ayon ni Katherine sa akin. "She's one of the best COO I've ever known here in this city. Besides, she would never do such horrible things if she never have good reasons. I knew her..." Dagdag pa nya.

Touché! Nakakatats ang sinabi nya.

"Thanks" ngiti kong sagot pero tipid lang ang pinukol kong ngiti.

Humarap muli ako sa mga boards na nakapaligid sa akin. Nasa unahan kasi ako while yung Dad ko nasa kabilang side sa dulo nakaupo at nakatingin sa akin.

Nasa topic kami ng 'Crime against Lee'. Napag usapan ang sharing nila sa company namin as well as sa company ni Katherine which is tinanggal na nya matapos malaman ang katotohanan tungkol sa mga Lee.

"He deserves it... He deserves to be in jail. I don't care how his family shared business with mine, but he created something that made him put in bars. He choose to be in that situation. If you can't accept it, so be it. I don't care." walang emosyon kong sabi sa kanila. "With or without Lee, E.Magazine still rising." Dagdag nya.

Nanatili silang tahimik, lumingon silang lahat sa Dad ko na nakatingin sa direksyon ko. Bigla syang tumungo at saka tumayo.

"I agree with you, Katherine. I agree with Ella. There is no point of decreasing our marketing progress once we untangle Lee on our list. They're the one who needed us. I think it's time for us to leave useless people behind" Katulad ko, wala ding pinapakita si Dad na emosyon. Diretso lang ang tingin nya sa marketing rate na nasa white board.

"Who disagree with me?" tanong ni Dad. "Talk" utos ni Dad. Nag tinginan sila sa isa't isa.

"Who disagree with us, you may leave." Dagdag pa ni Dad. Kita ko kung paano nag smirk si Katherine. Nakatingin sya sa akin na parang bang pinapahiwatig nyang panalo kami against sa mga kontrabidang boards.

"I think no one wants..." Nakasmirk na sabi ni Katherine.

"Very well, the meeting is over, you may leave" utos ni Dad. Lahat sila tumayo at wala ni isang nag lakas loob na kumontra.

Maliban sa akin at kay Katherine at Dad, lahat sila ay lumabas. Naiwan kaming tatlo sa loob.

"I'm sorry anak..." ito agad ang bungad sa akin ni Dad.

"Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sa kanya." mahinang sabi nya. Ngumiti ako pero hindi umabot sa mata ang ngiti ko.

"Okay lang Dad. Atleast ngayon alam nyo na pero alam ko naman na mali din ang ginawa namin ni Gwen. Pero, hindi ko na kayang talikuran ang mga ginawa kong yon. At saka tapos na din. Masaya na kami ni Maricris kasama ang anak namin" sabi ko.

"Anak nyo?" Biglang bigkas ni Dad.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Anak ng tinapa! Hindi ko pa nga pala sinasabi sa kanya yung tungkol kay Kolen.

"A-Ahh...N-Nag ampon kasi kami ng bata mula sa Children's Home sa U.K" paliwanag ko. Para tuloy akong kinabahan. Paano ba naman kasi, hindi ko nga sinasabi sa kanya. Ewan ko ba kung bakit hindi ko masabi agad agad. Paano, lagi syany busy.

"Ampon? Teka, ano pa bang hindi ko alam tungkol sayo ha?" Medyo pikon na sabi ni Dad at namewang.

"Uhm..." Kinakabahan kong bigkas sabay sulyap kay Katherine. "What? I don't understand Filipino language" depensa ni Katherine sa sarili.

"Sa Children's Home may nakita kami noon na baby. Kolen Anthony ang name ng bata. Hindi namin agad inampon noon dahil sa sobrang busy namin ni Maricris hanggang sa mag hiwalay kami. Nito lang mga nakaraang linggo na nasa Pilipinas ako, nasurpresa ako ng makita si Kolen sa dati naming tinitirahan na bahay ni Maricris." Paliwanag ko.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon