Chapter 11

1.2K 63 49
                                    

(Maricris)

"Wag ka na bumalik dito Clark. Langya ka. Nag seselos ex ko" biro ko kay Clark sa telepono. Honestly, hindi naman totoo na nalilink ako kay Clark. Oo may nagsasabi pero walang patunay dahil mag kaibigan lang kami ni Clark. Best Bud ko na sya simula noong nag try akong mag akting.

"Ganda naman kasi ng ex mo" sagot nya. Tss. Kaya rin sya nag punta dito para makita ng personal si Ella. Gustong gusto nyang makita ang babaeng pinakamamahal ko.

"I know." I smiled. "Basta wag ka bumalik dito! Sisipain kita, may papunta punta ka pa dito sa kwarto ko. Nahuli tuloy tayo. Akala tuloy non, may ginawa tayong kababalaghan. Maliban sa pag lalaro ng UNO cards. Hahaha!" biro ko pa.

Yun yung time na kumatok si Ella tapos nakita nya si Clark, basa. Eh galing naman sa pool tapos nag diretso sa kwarto ko at nag aya mag laro ng UNO cards. Tss. Hindi ko agad nabuksan baka kasi mandaya yang si Clark. Buset yang Clark na yan eh. Tumatawa pa nung ikwento ko na ramdam kong iba ang nasa isip ni Ella.

"Oo na. Bay! Pakilala mo ko na best bud mo!" Hindi ko na sya sinagot. Binabaan ko na sya ng phone. Lumabas ako at nakita si Avary na nag iisang nakaupo sa isang kubo habang sina Gwen nasa kabila.

"Mabenta ang magazine mo" puri ni Avary. Kahit ako hindi makapaniwala na mabili ang E. Mag kung saan ako ang cover girl. Marami siguro ang naging interesado sa kwento ko don.

Sa totoo lang hindi ko akalain na kukunin ako ng E. Mag para sa kanilang cover magazine.

"May concert ka sa ika bente kwatro ng Mayo." Paalala pa ni Avary. Nag tataka na ako sa kanya. Lagi ko na syang kasama, e dapat si Arianna ang kasama nya. Well, kung lagi din naman silang nag babangayan, mas pipiliin ni Avary na tumahimik na lang.

Nag nod lang ako habang pinag mamasdan si Ella na nasa kabilang kubo. Gusto na ni Direk simulan na namin ang shoot. At hanggang ngayon hindi pa rin sya pumipirma ng kontrata. Naiinis na si Direk. Hahaha. Mag tiis sya, gusto ko si Ella eh.

"Paano ba?" Naririnig kong tanong ni Ella sa kaibigan ni Gwen, yung Sarah yata yon. Umakting ng kunwari sumipa si Sarah, gumaya naman itong si Ella. Pero sa pag sipa nyang iyon natamaan sa likod si Gwen. Medyo naitulak nya pauna si Gwen. Hula na mag kakagulo na naman don. Mukha kasing sinadya nitong si Ella na sipain ng mahina ang pinsan nya.

"Gusto mo ikaw SIPAIN ko dyan?!" Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Sabi ng wag silang paglalapitin, sigurado akong lagi nang may gulong mangyayari.

"Hindi mo ko makakaya Panini! Tatlo ang hawak kong brilyante!" Sigaw naman nitong si Ella. Adik talaga sa mga brilyanteng yon -.-

"Brilyante ng tubig sinasamo kita na basain si Panini" utos nya sa kung ano mang brilyante yon. Aba nga naman nabasa talaga si Gwen. May nag buhos ng isang maliit na timbang tubig sa bandang likuran ni Gwen. Si Avary.

Teka! Si Avary?! Narito lang sya kanina? Aba naron na agad at nakikisali sa kalokohan ng mga negosyanteng yon.

Tatakbo pabalik dito si Avary, hindi tuloy sya nakita ni Gwen.

"Sinong nag basa sakin?!?!!!" Sigaw ni Gwen. Pigil tawa yung mga kaibigan nya maliban sa malakas ang loob na si Ella.

Hinarap ko si Avary na patay malisya sa nangyayari. Walang hiya din tong manager ko eh. Parang hindi ko manager sa mga pinaggagawa nya.

"Wahahaha! Mukha kang basang sisiw" utas na tawa ni Ella. Isang malakas na buhos ng tubig ang nakapag patigil sa tawa ni Ella.

O yan, sabi ko sa inyo eh, gaganti at gaganti yang si Gwen.

CEO at COO ba talaga sila? Hindi halata sa mga postura nila kapag sila sila lang magkakasama. Mapagkakamalan silang mga baliw.

"Huwag mo kong ginaganyan Panini! Hindi ako pipirma sa kontrata na sinasabi mo!" Pang-b-blockmail ni Ella.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon