Chapter 4

10.9K 499 244
                                    

Hindi na ako nag half pony sa mga susunod na araw. Gagawin ko lang yon kapag may special na kaganapan. Ewan. Sabihin nating ayoko lang siyang magsawa sa 'kin.

"Music, gusto mo?"

Pero kahit hindi pa ako sumasagot, ibibigay na niya sa kin yung chord.

Mga simpleng gawa, pero kinikilig ako.

"Ano, pwede ka mamayang uwian? Isang buwan na ah."

Tapos araw-araw na niyan binabanggit sa 'kin kahit hindi na ako naka half-pony.

"Ang kulit mo," sabi ko sa kanya habang kinukuha yung earphones. "Tinanong mo din 'yan sa 'kin kahapon."

"Nagbilang ako. Isang buwan na noong sinabi mong after one month ka pa hindi makakasabay sa service."

"Ano yon, binilang mo?"

"Oo. Masama ba?"

Oo, masama. Pinapaasa mo ako.

"Para saan ba?"

"Kakain lang."

Anong mabuti ang ginawa ko ngayong taong to para i-deserve siya?

"Bakit?"

"Wala lang."

"Nadedevelop ka na sa kin no?" Tukso ko sa kanya. Patawa lang naman eh.

"Di naman masama. Mabait ka naman."

HOLY MOTHER OF IRON AND SEWING MACHINE GUNS! Totoo ba yung narinig ko? Wait, pwede bang gatungan niya ng maganda ka rin para kumpleto na?

"Ay, wow. Wag mo nga ako pinaglololoko!"

"So, pwede ka nga?"

"Umiiskor ka ba?"

"Ano bang sabi ko sa'yo kanina?"

"Weh, di nga?"

Natawa siya. Pinalo ko siya sa braso nang malupit. Pag ako talaga naniwala ah! Leche to.

"Wag mo kong ganyanin ha! Wag kang flirt, okay?"

"Aray ko, flirt agad?"

"Eh anong tawag sayo?"

"Friendly."

"Friendly mo mukha mo. Flirt tawag dyan. Yung iiskor tapos wala palang balak pormahan."

Tawa lang siya nang tawa. Mukha nito, na-hurt ako ha! HAHAHA. Slight lang.

Natutuwa pa naman ako sa kung ano mang meron kami. Friends with benefits, pero hindi yung benefits na kashare ng kumot. Benefit as in pampakulay lang ng buhay kong paulit-ulit lang yung ginagawa.

"Bayad mo ba?"

"Hindi. KKB."

"Leche ka. Bwisit."

Sumama naman ako for fun. Happy crush lang naman, walang masama. O hindi ata to crush. Ang tawag siguro dito, kapals—as in kapalagayan ng loob. Pwede din yung makapal lang talaga yung mukha naming pareho para maggamitan as "someone to be with."

Pagdating sa tricycle, sumakay siya sa may harap. Eh siyempre, sino ba naman ako para makasakay niya sa harap? Natural, sumakay ako sa may loob.

Lalabas ko na sana yung phone ko, magtetext sana kay Rayhanie nang bigla siyang pumasok sa loob ng tricycle.

"Dito na ako sa loob."

"Bakit?"

"La lang. Para makatabi ka."

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon