Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko, bumili ako ng chicharon bulaklak na tinda sa labas ng school namin. Natawa ako sa ideya, at the same time, excited na ako makabawi sa kanya.
Nagtext ako sa kanya.
ingat ka love. san ka b? di ba di pa tapos class mo?
Pumunta ako sa gallery at tiningnan nang mabuti yung sched niya. Inaral ko na kung saan yung building niya para paglabas niya, andoon ako para salubungin siya. Magbihis lang naman ako ng casual attire, papapasukin na ako. Buti pa sa kanila, kahit sino, puwedeng pumasok. Although may security issues, pero at least yung mga jowa ng mga taga-dito, freely na nakakapunta sa kanila.
Nakita ko siyang nagreply.
TALONG<3
last class n. :)
Napangiti ako. Nang andoon na ako sa building, nakita ko agad yung room niya. Hindi naman masyadong mahirap hanapin kasi sunod-sunod naman yung mga numero. Naghintay lang ako sa labas. In twenty minutes, matatapos naman na yung class niya.
Narinig ko na yung mga upuan na parang nagsisi-alisan na yung mga tao. Ni-ready ko na yung chicharon bulaklak habang nilalagay ko yung ibang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.
Napangiti ako nang nakita ko siya.
Pero biglang nawala . . .
Nang nakita ko si Cat.
Napatitig ako nang sobrang tagal sa kanilang dalawa. Hindi pa nila ako napapansin. Nagtatawanan pa silang dalawa na parang akala mo, sobrang close nila.
Pag kakita ko kay Theo, mas lalo pa akong nagulat sa reaksiyon niya.
"Teka—"
TEKA?!
Hindi man lang "Love!" At bakit teka? Teka na ano? Teka na kailangan niya mag-explain kung bakit hindi niya sinasabi na magkaklase sila ni Cat?
Ayokong mag-iskandalo, pero talagang nanigas lang ako sa kinatatayuan ko.
"S-sige," sabi ni Cat, "balik na ako sa org, ha?"
Balik na ako sa org . . .
"Magka . . . org kayo?" tanong ko, palipat-lipat yung tingin ko sa kanilang dalawa.
"A, oo," sabi ni Theo. "Di ko pa nasasabi sa 'yo."
"Di mo pa nasasabi?" tanong ko.
Naramdaman siguro ni Cat yung pagka-ilang kaya nagpaalam na siya at umalis. Naiwan naman kami ni Theo, at ewan ko ba, wrong timing ba ako?
"Usap tayo," bigla niyang sinabi.
Sa loob-loob ko, kinakabahan ako. Usap tayo—sobrang vague ng mga salitang 'yan. Tungkol saan? Bakit? Paano? Saan?
"Linawin mo muna," sabi ko habang naiiyak, "Ano yo—"
Pero bago pa man ako makapagsalita nang buo, niyakap na niya ako sa harap nang maraming dumadaang tao, parang walang pake. O . . . hindi ko alam. Nanginginig na kasi yung boses ko at naiiyak.
"Ma-makikipag break ka na ba?" tanong ko. Gusto ko na agad malaman dahil parang pinipiga yung puso ko sa sakit. Alam naman niyang high school pa ako nagseselos kay Cat, na-i-insecure kay Cat, tapos itatago niya sa 'kin na magkaklase at magka-org sila.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...