Ginamit ko ang weekend ko para magmukmok sa resulta ng entrance exam ko. Siyempre, doon ako sa second choice ko kung saan ako nakapasa. Malungkot lang kasi, wala namang akong kakilala doon.
Nilamon ako ng lungkot buong weekend. Siguro, ang mas parang ewan doon, mas naisip ko pa kung paano kami mas mag-uusap ni Theo kung siya nasa Diliman, ako naman nasa Manila.
LDR na kami.
Wow naman talaga, self. LDR talaga? Ano, Lan . . . dian Relationship? Wala pa nga yung relationship eh. Ay, meron na pala. Friends nga pala kami. Relationship din naman 'yon di ba? So kapag sinabi kong "in a relationship" ako with Theo, pwede akong sumagot ng oo, pero di nila alam na ang relationship ko with him ay as friends lang. Or more than friends na medyo lovers pero hindi.
Natawa ako sa mga pinagsasasabi ko.
Pagdating ng Lunes, naka-move on na silang lahat. Ako, hindi pa. Nakayuko pa rin ako at iniisip kung bakit ang unfair ng buhay at kung bakit wala akong "unique" na personality.
Ako na—ako na ang pambansang normal.
"Ano ba masama maging normal?" nasabi ko sa salamin.
"Wala. Wala ka lang. Lagi kang in between. Kahit kalian, di ka mapapansin, kasi nga, normal ka lang," sagot ko sa sarili ko.
"Si Theo na nga lang 'yung kumulay ng buhay ko, di pa 'yon ibibigay ng universe? Lord naman," sabi ko ulit sa salamin habang nagbuntonghininga.
Inaayos ko 'yung buhok ko na naka-half-pony. Nakakainis kasi alam kong may tumubong pimple at sa gitna pa talaga ng ilong ko.
"Makisama ka naman," sabi ko. Pinisil ko, pero lalong namula.
Nagmura ako sa harap ng salamin. Wala naman akong choice kundi pumasok pa rin. Ano, mag-a-absent ako dahil lang may tumubong pimple sa gitna ng ilong ko?
Anyway, umagang-umaga, nakita ko na naman si Cat at si Theo na magkasamang pumasok sa gate. Ano bang meron sa kanila? Kung sila na, bakit ang landi pa rin ni Theo sa 'kin? At bakit kasi biglang sumulpot 'yung Cat na 'yon na parang bula sa buhay namin? Ano ba!
Nagtext ako kay Tanya noong recess para sabihing i-meet ako sa canteen. Nakita ko siya na umiinom ng juice at kumakain ng cupcake.
"Ano na, 'te?" tanong ko. "May balita ka ba?"
"Well, una, nagkita daw sila noong bakasyon. Tapos naging close sila," sagot ni Tanya.
"Naging close? Paano naging close?"
"Ewan ko. Ang tinanong ko lang naman kung may something sila ni Theo."
"Seryoso ka ba! Diretsong ganon mo tinanong?"
"Oo."
Nabaliw ako sa sinabi ni Tanya.
"Pero wala ka namang nabanggit about me?"
"Ano ako, shunga? Natural wala. Sinabi ko lang na nakikita ko siya kasama niya lagi tuwing pasukan."
"O tapos?"
"Tapos? Anong tapos?"
"Tapos iyon na?"
"Oo."
Napasandal ako sa upuan. So naging close sila noong bakasyon. So ano, ganon na lang? Sa kabilang dako, naisip ko nab aka nga close lang sila. Friendly naman si Theo eh.
"Eh wait," sabi ko. "Bakit sila nagkakasabay tuwing umaga?"
"Magka-way sila," sagot ni Tanya.
Napalo ko 'yung table. Napatingin 'yung iba.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...