Chapter 12

7.5K 344 161
                                    

Pagkatapos ng mga entrance exam, makikita mo sa lahat ng tao yung stress at pagod. Tipong alam mong hindi pa man nila nakukuha yung result, alam nilang bagsak na sila.

Isa ako doon.

Hay, hirap ng exam. Kamusta exam niyo, repapips?

Kunwari group message pero kay Theo ko lang talaga sinend.

THEO
Uy, nahirapan ka sa exam?
18:03

Yup. Di naman ata ako makakapasa sa dream school ko.
18:04

THEO
Meron pa namang iba. Sundan na lang kita.
18:06

Baliw! Bat mo ko susundan?
18:07

THEO
Wala lang, para magkasama pa rin tayo.
18:08

Hala siya. Ito nanaman siya. At ako, heto nanaman ako, nakangiti na parang ewan, kinikilig sa mga sinasabi niya.

Ano ka ba. Future muna.
18:09

THEO
Oo nga.
18:10
Future muna.
18:10
Kaya nga uunahin kita, di ba?
18:11

Para akong lumutang sa alapaap pagkasabi niya non. Na nanlaki yung mata ko, umikot-ikot sa kama, at napasigaw sa unan. But then again, bigla kong naisip na isa nanaman to sa mga pa-fall niyang galaw at ayokong mahulog nang basta basta.

I mean, nahulog na nga ako eh. Ayoko namang mapilay.

UTUT.
18:13

THEO
HAHAHA. The best ka talaga. Kaya mahal na mahal kita eh.
18:15

Napaisip tuloy ako kung anong maganda ang ginawa ko ngayong araw na to para sabihan niya ako ng ganito. Shet, shet, shet. Anong irereply ko? Anong irereply ko?!

Mahal na mahal din kita HAHAHAHA. Lemeyen. Ururs.
18:16

THEO
HAHA. Okay na sana eh.
18:18

Landi mo forever. Wag ako. HAHA.
18:19

THEO
LOL. Basta gotcha back, Mantiks. Iiyak na lang natin yung exam.

Nang pinakita ko yung series of texts ko kay Allen, bumuntong hininga siya habang pinapalo-palo ko siya sa braso.

“Te, utang na loob, ako tong nafrufrustrate sa inyo,” sabi ni Allen sabay eye roll. Kumakain kami ng kwek-kwek sa tapat ng school noon.

“Tumitilapon na tiyan ko sa kilig.”

“Tumitilapon na rin kami sa frustration sa inyong dalawa. Ang labo niyo eh.”

“Bakit, kailangan ba lahat ng label?”

“Eh ikaw, ayaw mo ba ng label? Eh sige, fine. Hindi kayo bf-gf. Eh ano pala kayo? Friends? Utot niyo, friends. Siguro naiinis lang ako na kinikilig ka dyan pero, ewan . . . ewan ko talaga. Merong out of place eh.”

“Speaking of out of place, baka out of place na ako in the world kapag hindi ako nakapasa sa dream uni ko. Saan na lang ako pupulutin?”

“Te, di pa katapusan ng mundo kung di ka nakapasa doon.”

“Sabagay. Kung para sa’yo, para sa’yo,” sabi ko kay Allen na may buntonghininga. “Iyon na lang nasabi ko sa sarili ko kahit alam ko namang pampalubag loob lang yon. Pero yung totoo, ang gusto ko talaga sabihin, ‘Please, Lord, iyon talaga gusto ko eh. Lahat po ipagkait niyo lang sa’kin, wag lang yon.’”

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon