Chapter 25

4.8K 225 91
                                    

Naghahanda na ang lahat para sa final exams at sa graduation ceremony, habang kami ni Theo, naghahanda na para sa wedding namin.

Siyempre charot lang 'yon. Ang bata pa namin. Hahaha. Pero sabi nga nila, kung kalian ka bata, at saka ka mapusok.

Actually, ako lang pala nagsabi.

"Ilang gusto mong anak?" tanong ko kay Theo habang nag-uusap kami sa telepono.

"Tatlo," sagot niya.

"Weh? Dalawa lang gusto ko. Isang lalaki, isang babae. Kung puwede lang iluwa sila nang sabay, g ako."

Natawa siyang sumagot, "Ikaw na bahala sa pagluwa. Suporta lang ako sa likod."

Araw-araw kaming nagkikita at araw-araw rin naman kami nag-uusap hanggang sa makatulog. Bakit nga ba ganon? Hindi nakakasawa kausap yung taong mahal mo kahit araw-araw pa? Napagusapan na namin mula sa "Anong kulay ng damit mo ngayon?" papunta sa "Bakit kaya tayo nag-e-exist?" Minsan, paulit-ulit pa nga yung pinaguusapan namin.

"Gusto ko isa lang floor ng bahay," sabi ko. "Pero may library."

"Wow," sagot niya. "E paano kapag di ko pala kayang ibigay 'yang mga 'yan sa 'yo?"

Napangiti ako. "Okay lang. Kahit sa kubo na tayo manirahan, basta kasama kita."

"Maririnig tayo ng kapitbahay kapag sa kubo."

"Baliw."

"Tasha!" sigaw ni Ate sa may pinto. "Na sa 'yo ba yung shirt ko na may unicorn?"

"Wala!" sagot ko kay Ate. "Uy, wait lang ha? Andito si Ate."

"Sige, antok na rin ako. Takits bukas. I love you!"

"I love you more."

Pagkababa ko, nagulat na lang ako nang nasa harap ko na si ate, nakairap, nakangisi.

"Okay lang kahit sa kubo?" tanong niya, parang nanunukso. "Bebe girl, seryoso ka?"

Umirap lang ako. "Alam mo, ikaw, tsismosa ka e. Bumalik ka na nga sa dorm mo."

"Di ka mapapakain ng pag-ibig, bebe girl. Palibhasa, first love mo."

"Pake mo ba?" asar ko.

"May pake talaga ako. Take it from the experienced."

"E di kung masaktan ako, e di go lang. Hayaan mo akong ma-experience ko 'yon."

"Wooow," pang-asar ni Ate. "Kapag bata talaga. Kala mo naman kaya mo yung sakit. Nako, kapag nasaktan ka, kakainin mo yang sinabi mo."

"Ge, sana mabusog ako."

Ito ring mga experienced sa mga relationships, ano? Di naman advice yung binibigay ni ate e—takot. Gagawin ko naman lahat para maging kami ni Theo hanggang sa huli. Kung hindi sapat, e di hindi sapat. E di masaktan kung masaktan. Hindi naman ako luluhod para mahalin ako e.

Wow, pero kung makadasal ako noon na sana gusto rin ako ni Theo pabalik, ano? Haha. Gaga rin ako e. Lahat naman ata, gaga sa pag-ibig. Basta, laban lang.

"Baka maging obese ka," banat pa ni Ate. "Hindi mo pa nga nakilala 'yang lalaking 'yan sa 'min."

"Hindi alam nina Mama."

"Alam ko. Baka latay abutin mo pag nalaman nilang nabuntis ka ng fourth year high school."

"Te! OA? Buntis agad?"

"Alam mo naman sina Mama. Crush equals baby."

"Alam ko naman limitasyon ko. Ikaw nga, nang naging kayo ni . . . ano nga ulit pangalan n'on?"

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon