Gusto ko na lang hampasin yung sarili ko dahil bumili ako ng bagong damit, bagong panty at bra na tero tapos lacey, bagong sapatos, at sinigurado ko na bagay yung mga aburloloy na isusuot ko—
"Gaga! Birthday kasi pupuntahan mo, hindi kasal!" sigaw ko sa sarili ko habang unti-unting nari-realize na masyado kong pinaghahandaan 'to.
"Pero malay mo, doon din punta . . . hala siya, landi!" sabi ko na naman sabay hagikgik sa sarili kong reflection. Napatingin pa ako sa bagong lacey kong underwear at natawa. Para akong ewan. Bakit ko ba to binili? May makakakita ba nito?
Bakit kasi kinikilig ako?
Ilang taon na rin kaming hindi nagkita. Malay ko ba kung may girlfriend—o boyfriend—na siya. Pero nang tumibok ulit yung puso ko nang nakita ko siya at halos mawalan ako ng hininga . . .
And I'll be honest, wala ng taguan ng feelings—type ko siya. Type ko na naman siya.
Bigla akong napatitig sa pader at inalala yung nangyari ilang taon na ang lumipas. Napapangiti ako nang naalala ko yung high school moments namin, yung nilutuan niya ako ng tortang talong, yung mga pickup lines niya na walang kupas, yung kissing scene namin sa ferris wheel . . .
Tapos naalala ko lahat ng pagkawala ng tiwala, insecurity, pagseselos . . . na dahilan na rin ng pagkawala namin . . .
Alin kaya ang mananaig this time?
Pero looking back, natatawa ako. Talaga bang nangyari yung "papakawalan" na kita drama? HAHAHA. Gano'n talaga no? Bigla mo na lang pagtatawanan yung mga nangyari sa past. Tipong halos ikinamatay mo na noon, pero dahil nagsurvive ka, bigla mo na lang maiisip kung gaano ka-petty ang mga bagay-bagay. Tipong yung mga "respeto naman!" ek-ek ng president namin no'ng high school at yung halos ipakulam ko na si Cat dahil sa selos at bitterness.
Kung ano man ang nangyaring "space," sigurado akong nakatulong 'yon sa 'kin.
Mahirap pero kinaya.
Ngayon, kung ano man ang kinalabasan ng pagkikita namin, at least wala ng taguan ng mga nararamdaman. Maglalabas kaagad ako ng awra na "Hi, type kita, Theo. Gusto mo ba maging tortang talong ko ulit?" Yes, go, girl. Best proposal ever.
Kung hindi man, tatanggapin ko 'yon like strong, independent woman na may soft side. Iiyak lang ng slight, pero babangon ulit.
"Ready to go," sabi ko sa sarili ko. Ngumiti ako one last time sa salamin bago mag-book ng sasakyan papunta sa birthday party ng anak ni Paul.
Pagdating ko doon, nakita ko si Baste at Sean. Malalaking mama na sila! Natawa na lang ako na kinarga pa ako ni Sean.
"Para kang papel!" sabi niya.
"Kailangan dahil sa trabaho," sabi ko. "Need to be looking good, no."
"Looking good ka naman kahit high school pa lang," sagot ni Paul na biglang sumulpot, karga-karga si Neptune. Kami namang mga titos and titas of the Philippines, naging baby ang mga boses at nagpa-cute, pero sinungitan lang kami. Hahaha. Such is the life of a tita.
"Cute ng anak mo!" sabi ko.
"Sundan mo na kasi," sabi ni Baste.
"Sinabi ko lang cute, hindi ko sinabing gusto ko ng anak."
"Ayaw mo?" tanong ng boses sa likod.
At sino pa nga ba?
Naka-blue polo lang naman siya, sobrang pormahin—sobrang guwapong tito. Hala, ano bang nangyayari sa 'kin? Puwedeng magdahan-dahan ka lang, self?
"Ehem, ehem," sabi ni Sean bigla. "Alis na tayo sa eksena." Tapos hinila niya si Baste. Si Paul biglang nagteleport papunta sa isa pang batch ng bisita.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...