Malapit na ang birthday niya.
Pero mas malapit na ang labasan ng college entrance examination results.
Pero mas malapit doon ang pagkabaliw ko dahil hindi ko na alam kung aamin na ba ako o hindi kay Theo.
Paano naman kasi? Alam niyo 'yong payapa 'yong love team namin tapos biglang may Cat na sumulpot? Tipong okay na sana 'yong buffet pero biglang may langaw?
I mean, ako pa rin naman kasabay niya pauwi, pero bakit sa umaga, kasabay niya si Cat? Ano 'yon? Magkapitbahay ba sila? Sinearch ko naman sa Facebook si Cat . . . mukhang di naman sila magkapitbahay.
Mag-ano sila?
Gusto ko tanungin kung anong meron sa kanila, pero sino ba ako? Ang mas mahalaga doon, sino ba si Cat sa kanya?
Sa sobrang di ko na nakayanan 'yong . . . 'yong . . . kung ano mang nararamdaman ko, at ayokong sabihan sina Eli at Allen dahil . . . dahil siguro sa pride ko na rin na gusto ko isipin nila na perfect pa rin love team namin, nilibre ko si Tanya na magdinner ng Linggo at sagot ko lahat para lang sabihin 'yong nararamdaman ko.
"Promise mo muna na wala kang pagsasabihan!" sabi ko sa kanya.
"Promise!"
"Kundi baog mapapangasawa mo."
"Te, wala akong plano mag-asawa."
"What! Teka . . . kundi . . . kundi . . . kundi di ka makakapasa sa UP!"
"Wow the threat! Eh paano kung di nga ako makapasa? Pwede kong ibunyag 'yang sasabihin mo sa 'kin?"
"Teka, ano bang pwede—"
"Baks, ano bang nangyayari sa 'yo? Pwedeng magpromise lang talaga? Pwede naman 'yon na walang kapalit, 'di ba?"
Nagbuntonghininga ako.
"Ang lalim ah," komento ni Tanya. "Di ko madakot 'yang buntonghininga mo."
"Promise talaga ha? Mamatay ka man?"
"Ano, pati buhay ko?"
"Sige na kasi!"
"Eh, wag buhay ko!"
"Naman eh! So may plano ka ngang sabihin?"
"Ano ba, may plano ka bang sabihin sa 'kin o—"
"Meron bang boyfriend si Cat?"
Nagulintang siya sa tanong ko. "Cat?"
"Kaklase mo 'yon, 'di ba?"
"Ah, si Cathryn—bakit mo natanong?"
"W—wala naman."
"Well, di naman kami close. Pero parang wala naman."
"May nalilink sa kanya sa classroom niyo?"
"As in 'yong sobrang link? Wala. Hello. Sa apat na taon na magkakasama kami sa iisang classroom, nagkakasawaan na kami ng mukha no. Bakit, sa section niyo may mag-jowa?"
"Wag mo kasi ilihis usapan!"
"Curious ako bakit mo natanong. Oh my gosh, shibuli ka ba?"
"Mukha ba?"
"H—hindi nga!"
"Hindi kasi! Kasi . . . kasi . . . si Theo—"
"Ah, 'yong jowa-jowa-an mo?"
"You're so road," sabi ko. Tinawanan niya ako dahil nakikiuso ako doon sa you're so road. "Malapit na. Charot."
"Weh! Nanligaw na ba? Umamin na ba?" excited niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...