Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kin, pero kapag lumilingon si Kuya Theo, nawawalan ako ng hininga.
Nagdadalaga na ba ako?!
Grabe naman, sinabihan lang ako ng kamukha ko pa rin yung elementary picture ko, crush ko na agad? Char lang.
Though pagkatapos naman non, hindi kami ganoon nag-uusap. Siguro ganon talaga. Sino ba ako para kausapin niya ulit?
Eh kung walain ko kaya ulit yung wallet ko?
Hala, ano ba ako? Desperada? No way.
Pero ngayong araw, nararamdaman kong magbabago ulit ang ihip ng hangin.
So sa Calculus namin, magpapartner partner daw para sa assignment. Knowing my classmates, kanya kanya na sila ng kapartner.
Nakita kong walang lumalapit sa kanya.
Napangiti ako.
Ano, lapitan ko na ba?
Teka, kinakabahan ako.
Bat ako kakabahan?! Ano ba, partner lang naman so go!
Kinalabit ko siya tas nilingon niya ako.
Jusmiyo yung puso ko.
ANO BANG NANGYAYARI SA KIN?! PUNYEMAS.
"A—ano..."
"Pre, may partner ka na?" biglang sumulpot si Sean at tinanong si Kuya Theo kung may partner na siya.
Umatras ako. Eh natural, kapag ganito, bat niya ako pipiliin bilang partner? Una, nasa top si Sean. Pangalawa, lalaki si Sean. Good chance yon para may maging ka-close naman siyang lalaki, di'ba?
Tatayo na sana ako, maghahanap ng ibang partner nang biglang...
"Uh, oo. Kami na ni Tasha."
Kami na daw.
KAMI NA DAW.
Ang hirap itago ng ngiti. Ang nakakabwisit, nasabi niya yon ng malakas kaya narinig ng mga tao sa paligid. Automatic lumabas yung "yii" sa bibig ng mga kaklase ko.
"Bakit, may mali ba akong nasabi?" Bigla niyang tinanong habang nakangiti na parang gusto pa niyang tinutukso kami.
"Eh kasi yung 'kami na ni Tasya.' Alam niyo naman po yang mga yan."
"Partner lang naman."
"Exactly. Eh malisyoso yang mga yan. Start na po natin?"
Naglabas kami pareho ng notebook at ballpen. Narealize ko bigla na hindi ko alam kung paano uumpisahan.
"Ganto na lang po, ako sa odd numbers, ikaw sa even," sabi ko pa. With 'po' pa yon dahil magalang ako sa nakatatanda.
"Wag ka na mag 'po.' Theo na lang."
"Okay. So, Theo, ako na lang sa odd?"
"Parang mahihirap yung nasa even."
Dahil doon, ang second impression ko sa kanya: gago to ah.
"Eh sige, ako na sa even, ikaw na sa odd."
"Toss coin na lang."
Noon, naiinis ako na pati ba naman yon, tinotoss coin pa? So ang dulo, ako nga sa odd, siya sa even.
Eh bam, natapos yung class na hindi pa namin tapos. Buti na lang sinabi ng teacher namin na bukas i-submit.
"Gusto mo 'to gawin sa bahay?"
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...