Sobrang init at nakakatamad. Dadadalawa lang kasi electric fan sa classroom. Tipong pinipilit kong makinig sa teacher pero ang lumalabas lang sa bibig niya ay "ajubarbarkulikaguhr."
"Ajubarbarkulikaguhr..."
"Hui!" bigla akong tinapik ni Allen, yung katabi ko. Babae yon by the way. "Anong ajubawhat?! Alien ka na ba?"
"Ha?"
"May sinasabi ka. Para kang alien."
"Sobrang init, alien na rin lumalabas sa bibig ko. Wala na akong naiintindihan. Ano yung latest na sinabi ni ma'am?"
"Di ko rin alam eh."
"Tamo. Pahiram na lang ng pamaypay."
Nakakatawa na nasabi ko pa pala yon. Sobrang init, kung ano-ano na lang nasasabi ko.
Paghiram ko ng pamaypay, bigla kong nakita yung pawis sa may leeg niya. Bigla akong napangiti nung kinuha ko yung panyo ko, tapos naisip ko, gusto ko punasan. HAHA kadiri yung mga pinagiisip ko.
Tapos maya-maya, pinunasan niya yung pawis sa may leeg niya gamit yung panyo niya.
Ang masaya doon, nahulog panyo niya.
HAHAHA jusko Tasha, hulos dili.
Lumingon siya pagkapulot ko tas binigay ko sa kanya.
"Tingnan mo."
"Ha?"
"Buksan mo."
"Ha?!"
"Yes, Mr. Agustino?" biglang huli ni ma'am sa kanya na nagsasalita. Nakakatawa kasi siya napagalitan kasi nakalingon sa likod. Haha!
"None, ma'am."
Hindi niya kinuha yung panyo. Eh di anong gagawin ko dito? Binato ko sa kanya sa may upuan. Narinig ko pa siyang nag 'ay.' Tapos noong nakatalikod si ma'am, binato niya sa kin sabay bulong, "basahin mo!"
Basahin ang alin?!
Humarap siya agad.
"Oi, harot niyo," sabi ni Allen. Natawa na lang ako kasi medyo totoo, pero di dapat ipahalata na medyo totoo kasi kahit ako, di ko naman alam score namin.
"Hala to. Di naman kami."
"Mas marami na kayang maharot na hindi naman sila ngayon."
"Malisyosa mo."
"Woo. Ewan ko sa inyo."
Pagbukas ko ng panyo, may nakatiklop na maliit na papel. Siyempre, excited akong makita.
Magdodota kami mamaya. Sama ka? :D
Wow. How romantic.
Kinuha ko yung ballpen ko at nagreply.
Di ako marunong. Tuturuan ko muna sarili ko.
Kunwari nalaglag yung pen ko tapos binigay ko sa kanya yung panyo niya kasama nung nakatiklop na maliit na papel. Wala pang isang minuto, bumalik ulit sa kin. Though, hindi na yung panyo. Yung maliit na papel na lang.
Sige turuan kita mamaya.
Di ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya na tuturuan daw niya ako mag DOTA. Hindi pala talaga pwedeng ako over DOTA. DOTA at ako talaga, with emphasis doon sa 'at.' Kailangan kasama ko.
Sabagay, mas okay na 'yon kesa wala.
Pagdating ng dismissal, nagkayayaan na. Ako, si Theo, Baste, Sean, at Paolo. Nauna ako sa labas, tapos sumunod silang apat. Nagdedecide sila kung saan sila maglalaro, eh baka makabangga daw nila yung isang tropa na puro trashtalk.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...